Huli sa video! PhilHealth exec, bistado na nag celebrate ng birthday sa gitna ng office hours at may kasama pang sexy dancer

Huli sa video! PhilHealth exec, bistado na nag celebrate ng birth sa gitna ng office hours at may kasama pang sexy dancer

Dismayado ngayon ang mga netizen matapos ipakita ni Senador Richard Gordon ang ginawa ng isang opisyal ng PhilHealth sa Region 4-A.

Kumalat sa social media ang isang video na kung saan makikita ang isang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth sa Region 4-A na sinasayawan ng isang sexy dancer sa oras ng trabaho.

Ayon kay Gordon, ang opisyal umano ng philhealth na ito ay si Paolo Johann Perez na nagdiriwang ng kanyang kaarawan sa loob mismo ng kanyang opisina sa gitna ng office hours.

Si Perez ay isa umano sa mga tinaguriang miyembro ng ‘Mafia’ sa loob ng PhilHealth.

“On his birthday, Perez received a gift, an enormous box, in his office. A girl, dressed in nothing but her underwear, danced and gyrated provocatively in front of Perez,” ayon sa committee report.

“Perez enjoyed the performance and was seen smiling in the video. He did not prevent the incident, or report and issue any reprimand to the employees who brought the girl,” ayon pa sa report.

Nagpaliwanag naman si Perez at tinawag ang babaeng nakita sa viral video na isang ‘performer’, at ayon pa sa kanya, isa umanong surprise party ang nangyari at paglilinaw nito hindi umano nagtanggal ng saplot ang babae.

Matatandaan na nag ugat ang imbestigasyon laban sa PhilHealth matapos mapag-alaman na na may mga naibulsang mahigit P15 bilyon peso na pondo ang ilang mga kurap na opisyal sa loob ng ahensya.