Huwag ka tumulad sa kanila! Sec. Panelo sinupalpal si Angel Locsin: “Lahat ng mga banat mo puro sa gobyerno”

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang tungkol sa naging pahayag ng aktres na si Angel Locsin laban sa gobyerno.

Matatandaan na isa si Angel Locsin sa mga bumabatikos sa adminitrasyon matapos tuluyang maipasara ang ABS-CBN network.

Sa programa ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na may pamagat “Counterpoint”, kwenistyun nito ang naging pahayag ng aktres kung bakit binabatikos niya ang adminitrasyon na kung saan sinabi niya mismo na ang kalaban ngayon ay ang virus at hindi ang mga pilipino.

“Naalala ko tuloy si Angel Locsin. Ang sabi mo ang kalaban hindi ang health workers, ang kalaban ‘yung virus. O tama ka doon. Eh bakit kung ‘yun ang kalaban eh bakit mo nilalabanan ang gobyerno? Lahat ng mga banat mo puro sa gobyerno. Ang dapat labanan natin ‘yung virus,” saad pa ni Panelo.

Sinabi rin ni Panelo na imbes na bumatikos sa gobyerno ay dapat gamitin na lamang umano ng aktres ang kanyang kasikatan upang hikayatin ang publiko na makiisa sa laban sa COVID.

“Dapat gamitin mo dahil ikaw naman ay kilala at hinahangaan, gamitin mo manawagan ka na mag-cooperate tayo. hindi ‘yung puro banat ka, ginagaya mo “yung mga kritiko,” saad pa ni Panelo.

Matatandaan na isa si Locsin sa mga naglabas ng pahayag laban sa sinabi ng Pangulo tungkol sa mga healthworkers.

“Eh kung mag-rev0lution kayo, you will give me the free ticket to stage a counterrev0lution. How I wish you would do it,” sabi pa ng Pangulo.