Huwag mo ako idamay! Katrina Halili to netizen who asks her to support ABS-CBN: “Kung gusto mo sumama sa kanila, walang pumipigil sayo!”

Sinagot ni GMA-7 aktres na si Katrina Halili ang ilang komento ng kanyang mga taga suporta na kung saan nanawagan ito na maglabas ng pahayag bilang suporta sa ABS-CBN.

Sa kanyang naging twitter post, sinagot ng aktres ang ilang panawagan ng kaniyang mga fans na maglabas ng suporta sa ABS-CBN dahil umano magagalit si ‘Darna’ kung hindi ito susuporta.

“Hi katring wala kaba pagsuporta sa kapamilya, makiisa ka naman sa pinag daraanan nila, magagalit si darna sayo,” saad pa ng kanyang fan.

Hindi naman nagatubili si Katrina Halili na sagutin ang naging pahayag na ito ng kanyang fan, at sinabing hindi niya kailangan maglabas ng pahayag sa social media bilang suporta sa ABS-CBN dahil parati niya ito isinasali sa kanyang dasal.

“Kailangan ba magpost talaga, pwede naman isama sila sa prayers ko. Kung gusto mo sumama sa kanila, walang pumipigil sayo,” sagot ni Halili sa kanyang taga subaybay.

Agad rin ipinagtanggol ng mga netizen si Katrina Halili sa mga bumabatikos sa kanya at sinabing dapat hindi pinipilit ng ilang mga taga suporta ng ABS-CBN ang ilang mga artista dahil lamang hindi sila nagsasalita tungkol sa isyu.

“Magagalit si Darna? Ano ito sindakan, sapilitan? Paki alam ba nila kay darna, lalo na yung mga ayaw at gustong tahimik lang, tama naman si Ms. Katrina na puwedeng isama sila sa prayers. Umayos nga kayo, kaya kumakalat ang covid dahil sa mga gaya niyong pasaway. #RallyPaMore,” depensa ng ng netizen laban sa bumabatikos kay Katrina Halili.

“Nakisawsaw lang si Jennelyn Mercado, gusto niyo ata lahat din ng kapuso, sumawsaw. Laban niyo iyan, huwag kayong mandamay, hintayin niyong magkusa kung sino gustong sumama sa inyo,” dagdag pa nito.

Matatandaan na naging viral sa social media ang tungkol sa naging pahayag ni Angel Locsin na kilala bilang isa sa mga tagapag-tanggol ng ABS-CBN.

Sa isinagawang rally ng mga empleyado ng ABS-CBN, nanawagan si Angel Locsin sa mga kapwa niyang artista na magsalita tungkol sa kinakaharap ng problema ng ABS-CBN.

“Sa mga kasamahan kong artistang ‘di nagsasalita: Ano? May career pa ba kayo? Wala na, wala na kayong network. Kahit magpa-cute kayo d’yan sa Instagram, mag-send kayo ng mga sad face, ‘di n’yo nadadamayan ang mga katrabaho n’yo na dahilan kung bakit kayo sumikat!” saad pa ni Angel Locsin.