Huwag sugod ng sugod! Lolit Solis to Jennylyn Mercado: “Choose your battle, hindi iyon sali ng sali”

Kamakailan lang ay naging usap-usapan sa social media ang tungkol sa naging pahayag ni Kapuso aktres na si Jennylyn Mercado.

Matatandaan na pinayuhan ni Dating Overseas Workers Welfare Administration Deputy Administrator Arnell Ignacio ang aktres na si Jennylyn na huwag makisawsaw o mangkimasok sa pulitika dahil umano masisira lang ang kanilang pinaghirapan na pangalan sa industriya ng artista.

“Payo lang, wag niyo na pasukin ang hindi ninyo linya. You have very successful careers dahil mahusay kayo sa linyang pag-aartista.” sabi pa ni Arnell sa kanyang facebook post.

“Do not ever think the power of popularity will instantly translate into mastery of the political jungle. Wawasakin ninyo mga careers ninyo.” dagdag pa nito.

Agad naman ito sinangayunan ng TV host at showbiz columnist na si Lolit Solis na kung saan pinayuhan rin nito ang aktres na piliin ang kanyang pinapasok na laban.

“Wala ako gusto kampihan, siguro iyon lang dapat sa mga artista natin lalo pa nga at bawat sabihin nila madali pick up at isulat, medyo dahan dahan sa issues. Tama, dapat vigilant, dapat may boses, pero pag sa lahat sinalihan mo wala ng premium iyon boses mo, ordinary na lang,” saad pa ni Solis sa kanyang Instagram post.

“Kung ako si Vinia dapat iyon ituro niya kay Jennylyn , choose your battle, hindi iyon sali ng sali. Dapat pagsali mo, wow, matutuwa ako dahil ang taas ng premium mo, at iyon pagsali mo sa issue ko nakatulong.”

“Pero iyon basta banat ng banat lang, iyon na nga, tama si Arnel magiging para kang aktibista na salita ng salita dahil lang anti ka kaya hindi mo nakikita iyon kabilang side. Sino ba gusto gayahin ni Jennylyn Mercado, si Angel Locsin?” dagdag pa nito.

Ayon pa kay Lolit, kung gusto umano gayahin ni Jennylyn ang aktres na si Angel Locsin ay dapat magsimula na umano ito ng pagbibigay ng mga PPE, face mask at face shields at mga kinakailangan kagamitan para tulungan ang mga frontliners.

“Ilan na ba nabigay ni Jennylyn Mercado na PPE, face mask o face shields? Nagpakain na ba siya ng mga Frontliners tulad ni Marian Rivera ? Pinuntahan na ba niya mga drivers na nagugutom? Unahin niya iyon, huwag iyon puro twitter o facebook ang ginagawa niya, at pagtatanong, ayaw ni Arnel Ignacio,” sabi pa ni Lolit.

View this post on Instagram

Naku full ang hands ni Vinia Vivar ngayon sa pagtatanggol kay Jennylyn Mercado, Salve. Paano nga ay nakatanggap ng pangaral mula kay Arnel Ignacio si Jennylyn kaya buwelta ni Vinia dapat bago pagsabihan si Jennylyn tignan muna ni Arnel ang sarili. Wala ako gusto kampihan, siguro iyon lang dapat sa mga artista natin lalo pa nga at bawat sabihin nila madali pick up at isulat, medyo dahan dahan sa issues. Tama, dapat vigilant, dapat may boses, pero pag sa lahat sinalihan mo wala ng premium iyon boses mo, ordinary na lang. Kung ako siVina dapat iyon ituro niya kay Jennylyn , choose your battle, hindi iyon sali ng sali. Dapat pagsali mo, wow, matutuwa ako dahil ang taas ng premium mo, at iyon pagsali mo sa issue ko nakatulong. Pero iyon basta banat ng banat lang, iyon na nga, tama si Arnel magiging para kang aktibista na salita ng salita dahil lang anti ka kaya hindi mo nakikita iyon kabilang side. Sino ba gusto gayahin ni Jennylyn Mercado, si Angel Locsin? Di ang gawin niya maging kasing generous at charitable siya tulad ni Angel, gumagasta at tumutulong pag may disaster, hindi lang dumadakdak. Sabihin mo iyan kay Jennylyn ha Vinia, kung gagaya siya, gawin din niya ginagawa ng ginagaya niya, mas madali pa iyon. Ilan na ba nabigay ni Jennylyn Mercado na PPE, face mask o face shields? Nagpakain na ba siya ng mga Frontliners tulad ni Marian Rivera ? Pinuntahan na ba niya mga drivers na nagugutom? Unahin niya iyon, huwag iyon puro twitter o facebook ang ginagawa niya, at pagtatanong, ayaw ni Arnel Ignacio. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on