Huwag tayo maglokohan! Jobert Sucaldito may ibinulgar tungkol sa ABS-CBN: “Stop using the 11,000 employees as human shields”

Beteranong radio host at showbiz columnist Jobert Sucaldito may ibinulgar tungkol sa isa sa pinakamalaking estasyon sa bansa na ang ABS-CBN o Kapamilya Network.

Hindi maikakaila na usap-usapan ngayon sa social media ang tungkol sa pagsasara ng ABS-CBN TV Network, ito’y dahil na rin sa expire na ang kanilang prangkisa.

Kaya naman agad na nag bigay ng cease-and-desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) upang ipatigil ang kanilang pag-ere.

Dahil sa nangyaring ito, agad na nagpakita ng suporta ang ilan sa mga artista ng kapamilya network na kung saan binatikos nila ang ginawang hakbang ng NTC lalo na nasa gitna umano ng pandemya ang bansa.

Ngunit viral ngayon sa social media ang kilalang showbiz columnist na si Jobert Sucaldito dahil sa kanyang ibinunyag tungkol sa ABS-CBN sa kanyang facebook post.

Sinabi nito na nakikisimpatya siya sa nangyari sa ABS-CBN at lalo na sa mga taong apektado ng pagsasara ng kapamilya network, ngunit dapat umano ihinto ng naturang estasyon ang paggamit nila sa ‘11,000 employees’ bilang ‘hûman shiëlds’.

Hindi umano dapat ginagamit ng naturang estasyon ang kanilang mga empleyado upang makakuha ng simpatya sa publiko dahil hindi rin naman umano nila tinatrato ng maayos ang kanilang mga empleyado.

“Nakakapagod na ring magbasa ng balitaktakan ng mga ABS-CBN supporters and non-supporters. Pero let’s go straight to the truth. Kahit galit ako sa ilang tao sa ABS-CBN, in my heart I am for the #notoshutdown dahil marami pa ring mga good people inside na di naman kasali s amga isyu namin.” saad pa ni Jobert.

“But wait, pakiusap lang, stop using the 11,000 employees as hüman shiëlds dahil hindi totoo iyan. Yung mga iba nabubulagan lang. Nadadala sa matatamis na dila ng ilang bosses diyan. Kung naalala niyo pa, maraming cameramen ang na-dismiss ill3gally diyan – maraming anchors ang pinagtatanggal nila dahil hindi nila kaalyado and kasali na ako diyan.” dagdag pa nito.

“Sabihin niyo nang I have an axe to grind against DZMM and ABS-CBN pero you have to realize also some truths behind all their dramas and all. Nasa news iyan before – nung pinatawag ng mga bosses ang maraming cameramen sa isang five-star hotel and were served the best lunch in the world and after nilang kumain tsaka ibinigay ang walking papers nila.” ayon pa sa kanya.

“Masakit iyon sobra!!!! Sobrang sakit para sa mga cameramen na dekadang nagserbisyo sa kanila ‘tapos bigla na lang nilang tatanggalin nang ganoon-ganoon. Parang nasilya-elektrika ang mga iyon – bago patayin ay pinakain muna ng masarap. Pinakain niyo pa ng masarap na pagkain ‘tapos bigla niyong sinabihang tanggal na sila. SAAN ANG SINASABI NINYONG PUSO NG KAPAMILYA? SAAN? Ganoon ba ang Kapamilya? Walang puso? Dahil contractual lang sila kaya anytime ay puwede niyo silang sipain palabas? Anong kasalanan nila? “

“Kung napansin ninyo, sino ba ang yumaman sa ABS-CBN – silang magkakuntsaba lang naman sa loob ah. Sa rank and file, may gumanda ba ang buhay? Sa mga artists? Ilang libo ba ang mga artista at singers na walang trabaho? Kung mapansin ninyo, sila-sila ring mga alaga ng mga tagaloob ang napapanood sa mga teleserye – judge sa mga pakontes – regular sa ASAP – ano pa? Kung freelancer ka, mapalad kung makapag-guest ka once in a while. Natural na ipagtanggol sila ng mga piling-artistang ito dahil nakikinabang pa sa kanila.” saad pa nito.