Idol Raffy nagbigay ng P100K kay John Regalo at nangakong tutulungan ito sa mga gamot na kakailanganin ng aktor

Kahapon lamang ay naging viral sa social media ang tungkol sa isang batikang aktor na si John Regala na kung saan nakita itong hirap na hirap na sa buhay.

Sa facebook post ni Carlo Clariza, makikita ang aktor na si Regala na nanghihina na at humihingi ng tulong dahil sa kanyang nararamdamang sakit.

“Siya po Si Mister John Regala Ang sikat na kontra bida humingi nang tulong po sa aken kase nahihilo po siya may hinahanap siya na nurse Ang kaso di ko po siya maintindihan kase po medyo utal na po magsalita dahil nahihilo po siya kaya humingi siya nang tulong saken at agad Naman po akong lumapit sa mga tanod at pulis na para matulungan dito po siya sa lugar nang BRGY.183 PASAY CITY tapat nang lots a pizza masakit lang isipin na Ang dating idolong kontra bida ay NASA ganyang kondisyon Kaya mas minabuti ko munang Hindi umalis hanggat di pa siya naaasikaso kahit na ako’y may deliver pa maraming salamat sa mga tanod at health worker na tumulong,” saad pa ni Carlo Clariza sa kanyang social media post.

Kaya nangmakarating kay Idol Raffy ang viral post ni Clariza sa social media, hindi ito nag atubiling tulungan ang batikang aktor.

Nangako si Idol Raffy na bibigyan ng P100,000 cash ang batikang aktor, at iba pa ang mga groceries at mga kakailanganing gamot ni Regala.

“Magpapa-punta po ako ng reporter d’yan. Lahat po ng klaseng tulong ibibigay namin. Sa ngayon po, magpe-pledge po ako, magbibigay ako sa’yo ng P100,000,” saad pa ni Tulfo.

Sinabi rin ni Regala na iniwan na siya ng kanyang asawa dahil umano sa wala na siyang pera.

“Iniwan pa po ako ng aking asawa dahil wala na nga po akong pera. Ang iniisip ko pa ‘yung aking career, eh mukhang malabo na po dahil tinalikuran na ako ng industriya. Ako lang pong mag-isa at yung aking aso. Dina-dalaw dalaw lang po ako ng mga kaibigan ko po,” sabi pa ni Regala.

Nagpapasalamat rin si Regala kay Carlo Clariza dahil tinulungan parin siya kahit na nabangga niya ang kanyang motorsiklo.

“Carlo, actually nabangga ko pa ‘yung motor mo kasi hilong hilo ako kasi 13 araw na akong hindi kumakain,”

“Hindi mo ako iniwanan. Bihira ‘yung ganun kaya maraming maraming salamat sa ‘yo. Tinatanaw kong utang na loob ‘yun,” dagdag pa ni Regala.