Ieendorsong kandidato ni Pangulong Duterte sa 2022 posibleng maapektuhan dahil sa isyu ng kuryente at tubig – Imee Marcos

Ayon kay Senadora Imee Marcos, hindi umanong malabo na maaapektuhan ang ieendorsong kandidato ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.

Sinabi ni Marcos na kung hindi umano mabibigyan ng solusyon ang problema sa matataaas na singil ng kuryente at tubig sa panahon ng COVID-19 hindi umano malabong maaapektuhan ang mga kandidato ng administrasyon.

Matatandaan na maraming mga netizen ang nag-aalburoto na sa galit at inis dahil sa kanilang natanggap na matataas na singil mula sa kuryente at tubig.

“Naku, siguradong maaapektuhan ang mga kandidato ng administrasyon na tatakbo sa 2022 presidential elections dahil dyan isyu ng kuryente at tubig,” saad pa ng senadora.

“Sobrang taas ng billing ng Meralco, Maynilad at Manila Water. Pano nangyari yon?” dagdag pa nito.

Ipinaliwanag rin ni Marcos na malaking usapin ang tungkol sa kuryente at tubig lalo na sa pang-araw araw na kabuhayan ng taumbayan.

Kaya nanawagan ito sa Pangulo na sana ay aksyunan na at itama ang singil kung nais nitong manalo ang kanyang mga kandidato sa darating na eleksyon.

“Hindi malayong matalo ang mga kandidato ng administrasyon sa darating na eleksiyon sa 2022 dahil sa isyu ng kuryente at tubig,” saad pa ni Marcos.

“Kaya ngayon pa lang dapat ay tapusin na ang problema at pagpaliwanagin ang Meralco, Maynilad at Manila Water. Kung meron dapat managot, papanagutin at kasuhan!” dagdag pa nito.

Iginiit ng Senadora na dapat magkaroon muna ng aktwual na reading ang mga Meralco, Maynila at Manila Water bago sila maningil.

“Ano sila nanghuhula? Hindi naman dapat ibase lang ng Meralco, Maynilad at Manila Water sa “estimate” ang singil sa kuryente at tubig ng ating mga kababayan,” saad pa nito.

“Sumobra naman ang estimate nila, kaya ayan tuloy nagkagulo-gulo, galit ang taongbayan!” dagdag pa ng senadora.

Source: Abante