Ikaw lang nagbalita ng ganyan! Roque sinupalpal ang CNN reporter: “Dahil sa iyo, nagkagulo ang tao!”

Naging viral sa social media ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque laban sa ginawang pag rereport ng CNN reporter na si Trish Terada.

Hindi nagustuhan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang ginawang pag-uulat ng CNN reporter na si Trish kaugnay sa isyu ng mass testing sa bansa.

Ayon kay Roque, tila pinalabas umano ng CNN reporter na walang coronavirus disease 2019 o COVID19 expanded testing program ang gobyerno.

Ipinaliwanag ni Roque na hindi mass testing ang ginagawa ng gobyerno kundi expanded targeted testing, Iginiit rin ni Roque na walang bansa ang nag mamass testing sa kanilang mga mamamayan.

“Mayroon po tayong expanded target testing. Siyempre sa simula ay mahina po iyan dahil bago pa lang ang sakit na ito. Bago ang mga teknolohiya at laboratories para i-testing sa sakit na ito. Yes, kakaunti tayo nung nagsmila pero we are aiming for 30,000.” ayon pa sa tagapagsalita ng Pangulo.

“Maling-mali po ang report mo na walang kahit anong priority na binibigay ang gobyerno sa testing… Pero sa panahon ng pandemiya ay nakikita natin ang reaksyon sa mga hindi tamang report. Your not doing the entire nation a service by doing that. I think you also need to rectify your report because it really cause public uproar” dagdag pa nito.

Nakakadismaya umano ang ginawa ng reporter na CNN Philippines na si Trish dahil siya lamang umano ang nag-ulat ng ganun na kung saan salungat ito sa sinabi ni Roque.

“I have to call you out, Trish. Ikaw lang ang nagbalita ng ganyan sa lahat ng mga reporters ng Malacañang Press Corps. Ok lang sana kung pare-pareho kayo ng report, ibig sabihin nagkamali ako. Dahil sa iyo, nagkagulo ang tao,” saad pa ni Roque.

Dahil dito, agad na pinuri si Roque ng mga netizen dahil sa kanyang ginawang katapangan lalo na sa pag-sisita sa mga bias umano na reporters sa bansa.

Isa umano itong patunay na nararapat lamang siya na maging Presidential Spokesperson upang mas matakot ang mga reporters na maglabas ng mga maling balita o impormasyon sa publiko.

HARRY ROQUE LASHES OUT AT CNN REPORTER"I have to call you out, Trish. Ikaw lang ang nagbalita ng ganyan sa lahat ng mga reporters ng Malacañang Press Corps. Ok lang sana kung pare-pareho kayo ng report, ibig sabihin nagkamali ako. Dahil sa iyo, nagkagulo ang tao."Presidential Spokesperson Harry Roque to Trish Terada of CNN Philippines on the latter's report that the government has no program for mass testing.

Posted by Bobby Capco on Tuesday, May 19, 2020