Ikulong na yan at huwag pakawalan! Sen. Gatchalian to Francis Leo Marcos

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang tungkol sa pagkaka-aresto ni Francis Leo Marcos dahil umano sa mga nilabag nito na batas.

Naging viral rin sa social media ang naging pahayag ni Senator Sherwin Gatchalian tungkol sa isang businessman at philantropist na si Norman Mangusin.

Ayon pa sa senador, dapat ay ikulong na lamang umano si Francis Leo Marcos o Norman Mangusin dahil marami na umano itong nalukong tao.

“Walang hiya talaga yan. Manloloko at sinungaling. Dapat ikulong na yan at huwag pakawalan. Maraming na loko yan,” saad ng senador sa kanyang twitter post.

Ayon pa kay Ron Munsayac PDP Laban Executive Director ang backer umano ni Marcos ay ang POGO’s o Philippine Offshore Gaming Operators.

“Sobra dami na scam nyan, boss Win! Pogo money din backer nyan! Dami ko narinig kwento about his various scams, kesyo may gold reserves pa daw sa Switzerland atbp,” sabi pa ni Munsayac.

Naging laman rin ng social media ang tungkol sa isang lalaki na kung saan handa siya makulong kapalit ng paglaya ni Marcos.

Ayon sa interview sa kanya ng blogger na Techram, sinabi ng lalaki na hindi niya lubos maisip na inaresto ng mga otoridad si Marcos na kilala sa pagtulong sa mga apektado ng COVID19.

“Yung taong tumutulong sa sambayanang Pilipino, kinulong pa, hindi ata makatwiran yun,” saad pa ng lalaki.

Nanawagan rin siya sa kanyang idolo na si Francis Leo Marcos na huwag niya na lamang pansinin ang mga kritiko na bumabatikos sa kanya.

Ayon pa sa kanya, handa siyang makipag palit kay Marcos at handa siya makulong para lamang makalaya si Marcos at patuloy na makatulong sa mga apektado ngayon ng COVID19.

“Kaya pumunta ako dito, tanong ko kung pwede ba kitang palitan diyan, para makapamigay ka pa sa sambayanang Pilipino at ng mapag patuloy mo ang inyong malinis na hangarin sa Pilipinas,”

“Willing akong pumalit diyan, puntahan niyo ko dito sa Baryo namin, makikipagpalit ako diyan,” saad pa nito.