Isaksak niyo sa baga niyo! Robin Padilla bumanat sa mga kritiko na bumabatikos kay Pangulong Duterte: “Hindi ito ang oras ng pamumulitika!”

Nanawagan ang kilalang aktor at taga suporta ni Pangulong Duterte na si Robin Padilla sa publiko na tigilan muna ang pamumulitika sa gitna ng pandemya.

Sa kanyang Instagram post, Nanawagan ang aktor na sana ay magkaisa muna ang mga Pilipino lalo na may kinakaharap na krisis ang bansa.

“Napakarami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi pa rin natatanggap ang katotohanan na ang Inangbayan Pilipinas ay nasa Gitna ng Digmaan Pandaigdig laban sa covid 19 habang Hindi pa tayo nakakaangat sa laban sa kahirapan dulot ng mga mapagsamantalang mga negosyante at mga korup sa gobyerno.” saad pa ng aktor sa kanyang Instagram.

“Laban sa mga mananakop ng ating mga isla at ngayon laban sa mga maiingay sa lipunan na kapapanganak lang sa usapin ng pagka rebolusyonaryo ay naghahamon na ng kagulohan.” dagdag pa nito.

Ayon pa sa aktor, imbes umano na magreklamo at batikusin ang mga namumuno sa mga gobyerno ay dapat kumilos na lamang at magisip kung papaano makatulong sa bansa.

“Hindi ko na talaga batid kung san hindi magkaintindihan ang mga Pilipino. Ramdam na natin lahat sa ating mga tahanan ang unti unting pagkalimas ng ating mga savings at hindi ito problema lang natin buong mundo ang suliranin na ito kayat imbes na mabuhay at magising ka araw araw sa pagrereklamo at kakabatikos ABAY kumilos ka para makatulong at mapakinabangan una ng sarili mo, mga pamilya mo at ng Inangbayan.” saad pa ng aktor.

“Hindi ito ang oras ng pamumulitika! Ito ang oras ng pagtulong sa gobyerno maging ano man ang kulay mo. Isaksak niyo sa baga niyo at puso niyo na ang pinag uusapan ngayon at ang nakataya ngayon ay ang SURVIVAL ng ating LAHI at INANGBAYAN PILIPINAS.” dagdag pa nito.

Dahil sa naging pahayag na ito ng aktor na si Robin Padilla, agad na bumuwelta si dating senador Antonio Trillanes IV sa aktor.

“Sbi ni Robin, mgtrabaho nlng dw at wg na mgreklamo. Ano? #1 na tyo sa pnkmraming covid cases sa SE Asia, hbang prang nglalaro lng si duterte at di alam ang gngawa. Bsta, isa ka sa salarin kung bkt nging presidente yang siraulong yan. Mlaking perwisyo ang dinulot nyo sa Pilipinas,” bwelta pa ng dating senador na si Trillanes.

View this post on Instagram

Napakarami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi pa rin natatanggap ang katotohanan na ang Inangbayan Pilipinas ay nasa Gitna ng Digmaan Pandaigdig laban sa covid 19 habang Hindi pa tayo nakakaangat sa laban sa kahirapan dulot ng mga mapagsamantalang mga negosyante at mga korup sa gobyerno. laban sa mga mananakop ng ating mga isla at ngayon laban sa mga maiingay sa lipunan na kapapanganak lang sa usapin ng pagka rebolusyonaryo ay naghahamon na ng kagulohan. Hindi ko na talaga batid kung san hindi magkaintindihan ang mga Pilipino. Ramdam na natin lahat sa ating mga tahanan ang unti unting pagkalimas ng ating mga savings at hindi ito problema lang natin buong mundo ang suliranin na ito kayat imbes na mabuhay at magising ka araw araw sa pagrereklamo at kakabatikos ABAY kumilos ka para makatulong at mapakinabangan una ng sarili mo, mga pamilya mo at ng Inangbayan. Hindi ito ang oras ng pamumulitika! Ito ang oras ng pagtulong sa gobyerno maging ano man ang kulay mo. Isaksak niyo sa baga niyo at puso niyo na ang pinag uusapan ngayon at ang nakataya ngayon ay ang SURVIVAL ng ating LAHI at INANGBAYAN PILIPINAS. Join the Reservist “Ask not what your country can do for you – ask what you can do for your country,”

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on