Isang netizen nanawagan sa mga Pinoy na makinig at sundin ang gobyerno: “Don’t make the same mistakes like we did here in Italy!”

Viral ngayon sa social media ang isang facebook post ng taga Italy na fashion design student na kung saan pinayuhan nito ang netizen na huwag tumulad sa pagkakamali ng naninirahan sa Italy.

Sa facebook post ni Mickaella Jorgia Bergantino pinayuhan nito ang kanyang mga kaibigan at pamilya na makipag cooperate sa gobyerno.

Ayon sa kanya, kaya umano kumalat ang COVID-19 sa Italy ay dahil hindi nakipag cooperate ang mga naninirahan dun.

“Dear Family and Friends in the Philippines, Don’t make the same mistakes like we did here in Italy. Being in Lockdown means you have to STAY AT HOME and AVOID at all costs going out. No school or work doesn’t mean a holiday or you can go out with friends or meet other people. It has been proposed by the government and health officials for a purpose!” pahayag pa nito.

“We have been there. We didn’t listen. We continued to go out and meet people even though we were told not to. We underestimated the situation. And look where we are right now. 10k plus of infected and we are forced to stay at home,” dagdag pa niya.

Nanawagan rin siya sa mga filipino na makinig at sumunod sa ipinapatupad ng gobyerno at huwag tumulad sa bansang italy.

“Do not do the same mistakes like we did. Stay at home while you are not being forced.Do your job as a citizen. Your role in obed1ence will lead a big impact to the Society. It doesn’t matter if your plans are or were canceled. Your life and health are more important than that,” ayon pa sa kanya.

Sa magkaiba niyang post, inilarawan nito kung gaano ka higpit ang ipinatupad ng bansang italy na lockdown upang magkaroon umano ng idea ang mga filipino kung ano ang nararanasan nila dun sa bansang italy.

Ayon pa sa kanya, ipinasara umanong ng gobyerno ng Italy ang mga malls except sa mga grocery stores at pharmacies.

Hindi rin umano sila pwedeng lumabas kung walang permit at kung magpumilit umano sila ay pwede silang maharap sa kaso.

“And I’m telling you that I have been at home for the past 3 weeks and it is not a good thing because Humans need to interact with each other. But because we underestimated the situation the government made drastic measures for our safety” ayon pa sa kanya.

“Hospitals are collapsing because of the amount of the infected people.
The Healthcare and hospitals in Italy are free, that’s one of the good things. But is it in the Philippines? The Answer is no,” dagdag pa nito.