Isang Open Letter para sa mga DDS para depensahan si Pangulong Duterte sa supporters ng ABS-CBN

Naging viral sa social media ang isang liham patungkol sa panawagan para sa mga Duterte’s suporter para depensahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga taga suporta ng ABS-CBN.

Sa isang open letter na ibinahagi ng The Brave Filipinos na facebook page, nananawagan ito sa kapwa duterte suporter para depensahan ang Pangulo dahil sa pangamba na gagamitin ng mga kritiko ng administrasyon ang pagsasara ng ABS-CBN laban sa Pangulo.

Kung kinakailangan umano na lumabas ang mga taga suporta ng Pangulo ay gagawin nila ito para maipakita sa mga kritiko na mas marami ang sumusuporta sa Pangulo.

Ibinahagi rin nito kung bakit mas makakabuti ang pagpapakita ng pwersa ng mga taga suporta ng Pangulo para labanan ang mga kritiko.

Ayon pa sa mga netizen at taga suporta ng Pangulo na nakabasa sa open letter, hindi umano ito imposibleng mangyari dahil gawain umano ng mga kalaban ng Pangulo ang makisawsaw sa ibang isyu upang masira lamang ang administrasyong Duterte.

BASAHIN ang Open Letter sa ibaba:

Open Letter to my fellow
Duterte Diehard Supporters
(DDS)

Dear Fellow DDS,

Kapayapaan!

Ihanda natin ang ating mga sarili dahil higit sa lahat ito yong panahon na sa tingin ko’y gawin nila (kaaway) ang abot sa kanilang makakaya masira o mawasak Lang nila ang Pangulo at kanyang administrasyon bunsod ng tuluyang pagkamatay ng ABS-CBN. Kung kinakailangan, higit pa sa dating lakas, LALABAS TAYO SA MGA LANSANGAN upang harapin ang kanilang pwersa anu pang mangyayari. Maliban sa Social Media, kailangan nating lumaban sa mga kaaway ng administrasyon upang ipakitang:

1. NAGKAMALI sila ng binangga

2. MAKITA nila ang ating dami na mas marami pa sa Kanila at

3. DI TAMA at KASINUNGALINGAN ang sinabi nilang 75 percent sa mga Pinoy ang pabor sa ABS CBN fresh Leg. Franchise at

4. PATUNAYAN na ang Pilipinas ay DI ANG ABS CBN at ang ABS CBN ay di ang Pilipinas.

5. At patunayang isang MIND CONDITIONING ang kanilang ginagawa para sa ating younger generation Katulad ng ginawa Ng mga Aquino sa atin pagkatapos ng Marcos Regime.

6. ISANG KASINUNGALINGAN ang paggamit nila ng mga katagang “Laban Pilipinas” “Laban ng ABS CBN ay Laban ng Bayan” dahil sila ay HINDI ANG BAYAN KUNDI TAYO na kumikilala, gumagalang at sumusunod sa batas.

7. KAYANG KAYA natin silang durugin dahil PURO ang ating intensyon, at ang nagtulak sa atin ay PAGMAMAHAL sa Bansa, di tulad nilang-

a. Oligarkiya- interes nilang kumuntrol sa kalakalan at yumaman sa pang aalipin nila sa mga maliliit na tinawag nilang “kapamilya”

b. Liberal Party- interes nilang papaghariin ang kanilang political power na baluktut sa pamahalaan Kung saan mamamayagpag ang korapsyon, proteksyon Ng mga negosyo Ng mga nasa Oligarkiya at sariling mga negosyo

c. Leftists/CPP NPA NDF- interes na pabor sa kanilang ideolohiyang walang katuturan na Kumunismo.

d. Druglords/Illegal Drug traders- interes nilang magkamal ng yaman sa pamamagitan ng pagkaalipin ng mga Tao sa Druga.

e. Mainstream Media at NUJP, Rappler et al- interes nilang magkamal ng pera sa pamamagitan ng Corrupted Journalism paid by devil politicians and oligarchs.

e. Foreign Giants- communism, UN-ICC, CIA etc- interes nilang kontrolin sa schema nila ang ating bansa sa pamamagitan nitong mga Pinoy na kalaban ngayon ni Pangulong Duterte.

f. Iilang Taong-Simbahan- interes nilang kontrolin ang pamahalaan dahil kung pabor nila ang nasa gobyerno, itoy gawin nilang host para sa kanilang panglilinta (sipsip-ayuda)

Ganito kalaki mga fellow DDS ang ating nagkakaisang (kunwari) kalaban ngunit may kanya-kanyang interes, opposite sa mga DDS na ang interes lamang ay kaunlaran sa pamamagitan ng pagbaklas sa mga kabuktutang nakabalot sa bansa tulad ng nabanggit ko na sa unahan.

Kaya, higpitan na ito ng sinturong nakakandado lamang sa pagmamahal sa bayan tulad ng halimbawang ipinakita sa atin ng Pangulong Duterte.

Be ready to FIGHT for the country.
Let us throw them a blow for their total destruction.

God bless Philippines!

Yours as always,

The Braves Filipinos