Iskolar ng Bayan inulan ng batikos matapos nitong murahin ang gobyerno

Naging viral sa social media ang naging pahayag ng isang iskolar ng bayan na si Jejomar Contawe matapos nitong murahin ang gobyerno na nagpa-aral sa kanya.

Sa viral facebook post nito, makikita sa litrato ni Contawe na minura nito ang gobyerno sa pamamagitan ng hawak niyang placard nam ay nakasulat na ‘Iskolar ng Filipino Taxpayers. Hindi ng Fu****g government’.

Dahil sa kanyang naging viral na litrato, inulan ng batikos ang kakatapos lang makagraduate na si Contawe dahil sa kanyang pagmumura sa gobyerno na isa sa naging dahilan kung bakit siya nakapagtapos.

Maraming netizen ang bumatikos kay Contawe dahil wala umano itong utang na loob sa gobyerno.

Isa na jan ang kilalang abogado na si Atty. Nick NaƱgit na kung saan binatikos rin nito ang iskolar ng bayan na si Contawe.

BASAHIN ang facebook post ni Atty. Nick sa ibaba:

Nakapagtapos diumano itong si Jejomar Contawe sa Tarlac State University (“TSU”) at lumabas sa litratong ito na iskolar daw siya ng mga Pilipinong nagbayad ng buwis at hindi ng minumura niyang pamahalaan.

Ating talakayin ang baluktot niyang pag-iisip.

Una, oo nga’t sa mga nagbayad ng buwis nanggaling ang tinamasa niyang pag-aaral sa isang pampublikong pamantasan, subali’t hindi niya nauunawaan kung paano napunta ang buwis sa pamantasang iyon.

Ang buwis ay hindi aandar mag-isa.

Kinakailangan muna na may panukalang batas na mag-uutos na bayaran ang buwis. Sa Kongreso magsisimula ito. Ang panukalang batas na ito ay kinakailangang pirmahan din ng Pangulo, para maging batas. Sunod, kinakailangan gawan ang batas ng mga alituntunin sa pamamagitan ng mga regulasyon ng ahensyang naatasan para ipatupad ang batas at makolekta ang buwis, at iyan ay ang BIR.

Ngayon, kinakailangan ding may batas, para makapaglaan ng pondo ang pamahalaan na gagamitin ng TSU. Ito ay ang General Appropriations Act (GAA) at ang charter mismo ng TSU.

Kapag nakolekta na ng BIR ang iba’t ibang uri ng buwis, ililikom ito ng Bureau of Treasury (“BT”) at ire-release lamang ng Department of Budget and Management (“DBM”) ang pondo ayon sa GAA.

Sa pamamagitan ng pondong iyan, at iba pang maaaring panggalingan ng kaperahan ayon sa charter ng TSU, ay mababayaran ang mga gastusin nito, gaya ng maintenance ng mga gusali, pambili ng mga equipment, pasahod sa mga guro at iba pang non-teaching personnel, at bahagi ng tuition ng mga mag-aaral (kung hindi man buong-buo).

Pwes, bakit mo Contawe mumurahin ang pamahalaan e kaya ka nga nakapag-aral ng mababa ang iyong binayarang matrikula (o baka nga wala pa) dahil iyan sa buong mekanarya ng pagpapatakbo ng pamahalaan?

Ano bang problema mo?

Pangalawa, yan ang mahirap sa mga kabataan ngayon na kulang o mali ang itinuturo o nasasagap na mga mensahe galing sa mga nailalathala, napanonood, o naririnig sa kung sinu-suno at sa kung saan-saan.

Saan mo napulot ang ganyang pananaw, Contawe?

Bunga yan ng mga aktibistang nakapasok na sa mga paaralan, at maging ng mga aktibistang guro na palihim na nagtuturo ng mga pananaw dahil sa pansariling layunin. Ang mahirap sa sistemang ito ay may kalayaan kasi ang mga guro na magturo nang gusto nila sa ngalan ng “academic freedom”. Hangga’t walang batas na iwawasto ito ayun sa “civic duty” at “patriotism” na tungkulin dapat ng bawa’t mamamayan, magpapatuloy ang pagbabaluktot sa kaisipan ng mga kabataan.

May kalayaan tayong magpahayag ng ating mga damdamin at kaisipan, pero tiyakin mo muna na ang ipapahayag mo ay tama at hindi bunga ng mali o nabayarang paniniwala.

Pangatlo, yang mga maling paniniwala na pumasok sa kokote ni Contawe ay maibabaling din natin sa mass media na kayang kontrolin ang kaisipan ng mga kabataan, para isulong ang kanilang pansariling layunin, lalo pa’t napakalaki nito at imomonopoliya ang paghatid ng impormasyon sa mga mamamayan.

Halimbawa na nito ang katol. Imbes na ituro o ilahad, na obligasyon dapat nito ayon sa mga batas, ang pagmamahal sa bayan, pagsunod sa mga kinauukulan, at pagsulong ng pagiging isang mabuting mamamayan, ay taliwas ang mga mensaheng ipinaaabot sa telebisyon at radyo.

Bukod pa riyan, puro kababawan, kahalayan, at pagsuway sa magulang at mga kinauukulan ang natututunan ng mga kabataan, lalo na yung mga lumaking malayo sa piling at gabay ng kanilang mga magulang, dahil lamang may karapatan daw sila magpahayag.

Oo at may karapatan magpahayag ang bawa’t isa sa atin, subali’t hindi ibig sabihin na lalabagin na ang lahat nang umiiral na batas dahil gusto mo lang magpahayag. Ang bawa’t karapatan ay may limitasyon. Kaya nga may mga batas tayo para sa kaayusan ng bansa. Kung ang mga batas ay hindi susundin, gulo ang mangyayari at ang lalabag ay kinakailangang managot sa kanyang gagawin.

Huwag mo sirain ang buhay mo, Contawe, sa maling paniniwala.

Kung tutuusin pa nga, dapat ay magserbisyo publiko ka, para maibalik mo ang tiwala ng taumbayan sa iyo at makatulong ka sa bansa o kaya’y mapasalamatan mo man lang ang mga nagbayad ng buwis para makapag-aral ka. Utang na loob mo yan sa buong bansa.

Sayang ang pagiging iskolar mo!