It is freaking amazing! Dayuhang vlogger natuwa at na excite sa isinasagawang rehabilitasyon sa Manila Bay!

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang tungkol sa isinasagawang rehabilitasyon sa Manila Bay na kung saan umani ito ng iba ibang reaksyon mula sa netizen.

Marami ang bumatikos sa isinasagawang rehabilitasyon sa Manila Bay na kung saan imbis umano ipangbili ng pagkain para sa mga mahihirap ay inuna pa ang pagbubuhos ng buhangin.

Marami rin mga kilalang personalidad at mga kilalang oposisyon ang pumuna sa proyektong ito dahil ayon sa kanila malaking tulong na sana umano kung ang perang ginamit pangbili sa mga buhangin ay pagkain nalang ang ibinili.

Ngùnit marami pa rin sa mga netizen at publiko ang suportado sa ginagawang rehabilitasyon sa naturang lugar, dahil isa umano itong magandang proyekto upang mas lalong mapaganda ang naturang lugar.

Naging viral rin sa social media ang tungkol sa dalawang dayuhan na si Mike at Nelly na kung saan makikita sa kanilang uploaded video na tuwang tuwa sila sa ginagawang rehabilitasyon sa Manila Bay.

“Right now, the Manila Bay area is being peppered with sands to make it really really beautiful for all of us and it is freaking amazing. Look at it! It’s like building a sand castle,” saad pa ni Mike sa kanyang video.

Ayun pa kay Nelly, parang kagaya umano sa Miami ang isinasagawang rehabilitasyon sa Manila Bay dahil napakaganda umano nito at napakalinis.

“This is a really bit of a Miami feeling I guess. In a few weeks, maybe we should come back. I think it is going to look really really nice. I’m really looking forward to it. Manila is getting better and better every week,” ayon pa kay Nelly.