Jaclyn Jose sinupalpal si Pinky Amador dahil sa ginawa sa hotel staff: “Wala kayo pinagkaiba sa mga hudyo!”

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang ginawang pagmumura ng beteranong aktres na si Pinky Amador sa isang hotel staff sa condominium sa may Makati.

Hindi napigilan madismaya ni Jaclyn Jose na isang Award-winning aktres at beteranong aktres sa kanyang kasamahan na si Vivan Velez matapos nitong dipensahan ang ginawa ni Pinky Amador sa viral video.

Ayon sa facebook post ni Vivian Velez, sinabi nito na ang dahilan umano ng ikinagalit ni Pinky Amador ay ang tao rin umano na kumuha ng video upang ikalat sa social media.

“Pinky was pushed to the wall and then recorded her reaction. This Palace management should be sued. Walang kalaban laban ang mga tenants,” saad pa ni Velez.

Dahil dito, hindi nakapagpigil ang aktres na si Jaclyn Jose na batikusin ang pag dipensa ni Velez kay Amador at agad na ipinagtanggol ni Jaclyn Jose ang hotel staff.

“May pamilya yung tao, may anak asawa, kamag anak.. ano gusto niyo sabihin sa kanila? Napakalupit niyo, ano tayo sa kanila ng gutom at pandemya? Wala kayo pinagkaiba sa mga hudyo, hinahangaan kita ms Velez but not this time you little piece of sh*t!” saad pa ni Jose.

“Ang akala ko kakampi ka, ang kakampi sumasang ayon sa tama. Yung Pacific Plaza Makati tumatanggap talaga OFW pero hindi ibig sabihin lahat sila may COVID… Yung hinihingi ni Ms. Amador na valid circular, but you need to understand kaka tanggal lang ng ECQ at etong pinagmumura niya di natin alam kung ano side?” dagdag pa nito.

Ayon pa kay Jaclyn Jose may karapatan umano ng hotel staff na kunan ng video ang pangyayari dahil isa umano itong ebidensya sa ginawa ng aktres.

Agad na humingi ng paumanhin ang aktres na si Jaclyn Jose sa kanyang nasabi sa kapwa artista na si Velez.

“Ms.Vivian Velez I am sorry for what I have said in your wall.. I know what kind of a person you are, didn’t mean to lambast you. mali ako.you are a friend, a family friend for that matter..again I apologize,” pahayag ni Jaclyn Jose sa kanyang Instagram post.