Jason Abalos bumanat kay Pangulong Duterte: “Binoto kita dahil gusto ko ng pagbabago, hindi panga-g*go!”

Naging viral sa social media ang naging pahayag ng aktor na si Jason Abalos laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang naging twitter post, inamin ni Jason na isa siya sa mga bumuto at sumuporta kay Pangulong Duterte noong eleksyon dahil gusto niya rin ng pagbabago sa bansa.

Sinabi rin ni Abalos na nawalan siya ng kaibigan dahil sa COVID-19 at nakakadismaya umano ang naging pahayag ng Pangulo lalo na nung nagbitiw siya ng isang joke tungkol sa COVID-19.

“Namatay ang kaibigan kong pediatric surgeon dahil sa covid, tapos may panahon pa kayong mag joke?? Pagbabago ang ginusto ko nong binoto kita hindi panggag*go!” saad pa ni Abalos sa kanyang social media account.

Matatandaan na isa si Jason Abalos sa mga kilalang personalidad na nagkampanya para kay dating alkalde ng Davao City at ngayon Pangulo ng bansa.

Ipinagtanggol rin ni Jason Abalos si Pangulong Duterte noong kasagsagan ng kampanya sa mga kritiko na sumisira at bumabatikos kay Duterte.

“Habang nakikinig ako kay mayor Duterte parang naiimagine ko na ang Pilipinas na ibang iba na bansa! #highhopes #ChangeIsComing,” sabi pa ni Jason Abalos noong 2016.

“Pakinggan nyo kasi ang buong sinabi ni Digong, para ung pagkaintindi nyo amg paniwalaan nyo wag ung pagkaintindi ng iba!” dagdag pa nito.

Nitong martes lamang ay inanunsyo ni Pangulong Duterte na maghahanap siya ng paraan upang mabigyan ng libreng face mask ang mga pilipino.

“Ngayon, kung wala kayo, I will try to buy as many as I can afford kung kaya ko, ibigay namin iyan sa inyo libre but wear it, and maski na gamitin mo siguro iyan ng dalawang beses okay man lang kung i-sprayan mo lang ng alcohol pagkatapos. Huwag iyong ini-i-spray mo at isuot mo kaagad. Iyong pagkatapos ng araw, hang it somewhere, i-sprayan mo lang ng lysol if you can afford it.” sabi ni Pangulong Duterte.

“Iyong wala, ibabad mo ng gasolina o diesel, p i** COVID na ‘yan. Hindi uubra ‘yan diyan. Totoo. Kung wala kayo — if you want to disinfect, maghanap ka ng gasolina. Ibabad mo lang iyong kamay mo. Layo mo lang kay baka — huwag sa loob ng bahay ninyo,” dagdag pa nito.