Jolo Romualdez nagbabala tungkol sa isang tao na nagsasabing parte sila ng Romualdez/Marcos clan

Kamakailan lamang ay naging viral sa social media ang isang nagngangalang Francis Leo Marcos dahil sa kanyang ginawang pagbibigæy ng tulong sa mga tao.

Pinuri ng mga netizen ang ginawang kabutihan ni Francis Leo dahil hindi umano ito nagdalawang isip na tumulong sa mga nangangailangan lalo na sa gitna ng Enchanced Community Quarantine na ipinatupad ng pamahalaan.

Ng0nit naging laman rin ng social media ang naging facebook post ni Jolo Romualdez pamangkin ni dating Senador BongBong Marcos na kung saan binalaan nito ang mga netizen na huwag agad maniwala sa mga taong nagpapakilala na parte sila ng Romualdez/Marcos clan.

Sinabi ni Jolo Romualdez na hindi umano parte ng kanilang clan ang nagpakilalang Businessman Francis Leo Marcos at ang tunay umano nitong pangalan ay Norman Mangusin.

“To all the people asking me about Mr. Francis Leo Marcos he is not related to me nor to my family po he’s real name is “Norman Mangusin” thank you,” sabi pa ni Jolo sa kanyang facebook post.

Naglabas rin ito ng dokumento na kung saan makikita ang isang sulat na pinapaimbestigahan ito ni Former First Lady Imelda Marcos sa National Bureau of Investigation (NBI).

“I have received continued disturbing reports about the above-mentioned persons using my name and my family’s name to collect unauthorized campaign donations, selling of fake gold certificates and using photographs and films/video coverage to associate themselves with me and my family for unauthorized and unscrupulous business practices,” base sa nakasaad sa sulat ni Imelda Marcos.

“Mr. Francis Leo Marcos has claimed that he is the son of Dr. Pacifico Marcos, the brother of my late husband and that he has been chosen by the Marcos family as the custodian of alleged wealth which we are not in possession of; he uses my photographs on social media after a photo opportunities and has produced a film positioning him as a signatory to the world’s wealth; he targets wealthy Chinese businessmen who want to do business in the Philippines and attracts them thru charitable causes,” dagdag pa nito.

Hinikayat rin ni Jolo Romualdez ang netizen na mag-ingat at huwag agad maniwala sa mga taong nagpapakilala at nakikita nila sa Internet.

“Please let’s be extra careful, lalo na sa panahon ngaun marami fraud. Ginagamit Last Name ng Romualdez or Marcos Hindi naman un ung real name or last name nya, sa mga kilala ko jan sa Leyte Manila and to other places please wag po agad maniwala if may magsabi or nagsabi na related to me or to my family even if there’s a photo or video you can verify message or contact me first po. keep safe everyone! thank you,” saad pa ni jolo.

“Kaya Yung mga fraud jan, before using a Name or Surname na Hindi naman un ung real name or apelyido mo you better think twice,” dagdag pa nito.

Ang facebook post na ito ni Jolo ay umani ng iba’t ibang reaction mula sa netizen, maraming netizen parin ang sumuporta kay Francis Leo Marcos dahil sa kanyang ginawang kabutihan.

“Kamag anak nyo man or hindi di na po mahalaga yun ang mahalaga po sa ngæyon may isang tao dumating at handang tumulong sa kapwa sir tuloy nyo lang po ang pagtulong sa kapwa si Lord na po bahala magbless sa kabutihan ng pusot kalooban nyo po sana po mas marami pa po kau matulungan may mga nagsasabi mayabang daw po kau okei lang po magyabang kau kita naman po namin di po katulad ng iba jan nagyayabang wala naman ipagyayabang,” saad pa ng isang netizen na nakabasa sa ibinunyag ni Jolo.

“Ano ang problema kung mas relasyon cla ni BBM ,ang mhlaga ngæyon ay tumutulong cya s higit n nngangailangan,GOD BLESS YOU IDOL,” saad pa ng isang netizen.

“Wala na kami pakealam sa family history nyan.. Salamat sir sa tulong nyo,” pahayag rin ng isang netizen.