Journalist and Malacañang radio reporter responds to Regine Velasquez: “Wala sa inyo ang buhay namin!”

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang tungkol sa naging pahayag ni Asia’s songbird Regine Velasquez na kung saan sinabi nito “Paano ang Pinoy kung walang Cardo, Vice Ganda at Kathniel?”.

Nasabi ito ni Velasquez kasunod ng pagbibigay ng National Telecommunications Commission ng cease-and-desist order laban sa Kapamilya network o ABS-CBN.

Sa naging facebook post ng myembro ng Malacañang Press Corps at batikang mamamahayag at DZRH journalist Henry Uri kwenistyun nito ang naging pahayag ni Velasquez at sinabing mabubuhay ang mga Pilipino kahit na wala ang mga artistang binanggit nito.

Ayon pa kay Uri, wala umano siyang nabalitaan na naghirap ang buhay dahil lamang nawala sa kanilang telebisyon sila Vice Ganda, Coco Martin at pati na rin ang Kathniel.

Ipinaalala rin ni Uri na ang mga artista umano ang mawawalan at maghihirap kung sakaling walang nanunuod sa kanila na mga tao.

BASAHIN ang kanyang buong facebook post sa ibaba:

Ineng – Regine

Mawalang galang na sa iyo. Sinaliksik ko’y may garne ka ngang padahak pala.

Ineng naman, paanong sasabihin mong paano na ang Pinoy kung wala ang mga iyan? Para bagang sinasabi mong mamamatay na ang mga tao pag wala na ang mga iyan o magugunaw na ang mundo namin pag hindi na sila napapanuor at anaki sinasabi mo na ring, anaki wala na ring ibang artistang lalabas sa tv at sinehan maliban sa kanila? E’eh parang sala ka dyan Ineng?

Ineng, iyan gang mga iyan ay namimigay ng bigas, pang-ulam, pambili ng sabon, pambayad sa ospital at pambayad sa kuryente, mga basic needs, na paano na ang mga Pinoy pag iyan ang mga nawala?

Masabi ang kahalay-halay sa iyu Ineng, sa ilang araw ng wala sila sa tibi, ay wala pa naman kaming nabalitang inusugan man laang o hinimatay o kaya’y maysakit na hindi tinanggap sa ospital dahil hindi na sila napapanood araw-araw?

Oo nga’t naghahatid naman ng aliw ang mga iyan, pero kung iisipin mo, KUNG MAHAPDI naman ANG SIKMURA NAMIN SA GUTOM, maski magtutuwad ang mga iyan, hindi kami malilibang. At kiruin mo ito ha, PAG NANONOOD KAMI NG PALABAS NG MGA IYAN, ay tuloy na tuloy ang ikot ng kuntador, bago pag singilan naman ng kuryente hindi man laang kami makabahagi sa milyong kinita nang mga iyan sa bawat luha at halakhak namin.

PAG KAMI NAGREREKLAMO SA MERALCO, pag kami naangal sa MAHAL NG GASOLINA, pag nag aalburuto kami sa dagdag presyo sa pandesal at sardinas, kayo ga’y nakakasama naming mag santabarangka laban sa kanila?

Oo nga’t nagbabayad din kayo ng buwis, ay sino gang hindi? Pare-pare lang tayo. Baka sasabihin mo, mas malaki ang buwis ninyo? Ay sadyang gay’on ay malaki rin nman ang kinikita ninyo dahil tinatangkilik namin kayo ih! Kaigi pa ninyo’t HABANG KAMI TUMATAWA KAYO NAMA’Y KUMIKITA. Samantalang kami, nag uhugin na’t nakuba na sa kakatarbaho, hindi na yumaman. Minsa’y nasususpendi pa sa trabaho dahil nale late kakapanood sa inyo!

Kainaman ka na.

Dapat nga ang sabihin mo, paano na si Coco, si Vice at si Daniel kung wala nang Pinoy na manonood sa kanila?

NASA AMIN ANG BUHAY NINYONG MGA ARTISTA AT WALA SA INYO ANG BUHAY NAMIN.

At saka, aysus naman giliw Ineng, hindi ka na ga nahiya sa iba pang kapwa mo artista? Hindi naman sila iaang ang alagad ng industriya. Walandyong bata ito naman,  aba?

Paborito ko pa naman ang kanta mong, Pagpatak ng ulan, ay tiyak na magdadamusak.

Sya yae na. Ikaw namay amin pa ring sinisinta sa pagkanta 😊