“Kab0bohan ng mga bata” remark ni Sen. Villar binatikos ng mga netizen

Muling binatikos si Senadora Cynthia Villar matapos mag viral sa social media ang paninisi nito sa Philippine Carabao Center at National Authority dahil sa mababang IQ ng mga kabataan.

Sinisisi ng senadora ang PCC, dahil mas inuuna pa umano nito ang pagbili ng mga sasakyan imbis na punduhan ang kakulangan sa gatas.

“Partly to blame kayo sa kab0bohan ng mga bata. Yung result ng international study na second to the last tayo, you are partly to blame kasi ang mga bata pinapainom ng milk para tumalino. Kung walang available na murang gatas para sa mga bata, paano iinom ng gatas ang mga bata?” ani ng senadora.

“Itong PCC, ibibili daw niya ng sasakyan para inspeksyunin ang dairy farm… Ayan, kaya 1 percent lang,” dagdag pa nito.

Dahil dito, binatikos ang senadora ng mga netizen at sinabing kakulangan sa lupain ang dahilan dahil ginagawa umanong subdivision ang mga agricultural land.

“How will the carabaos be able to eat if you keep on converting agricultural land into subdivisions? Pro-poor but actually it’s you who gain from the poor. Stop oppressing farmers and your workers, sabi ng isang netizen na si @koithefishy.

ani pa ng isang netizen, dapat daw ang isulong ng senadora ay ang ‘exclusive breastfeeding’.

“Ooops,don’t blame the dairy industry senator @Cynthia_Villar. Push for exclusive breastfeeding in infancy not cow’s milk, and give better supplementary food and correct eating habits! Don’t convert agricultural lands to subdivisions but more crop production for better food source,” sabi ni @pinoykidsdoc.

“As Cynthia Villar talks about the “kab0bohan ng mga bata”, i see some points of her but due to her foul mouth and unacceptable points made me think that 2 year old child doesnt need a cows milk, they need to be breastfeed. i think Cynthia is lack of dairy milk” diin pa ng isang netizen na si @davidtheGGGG.

Source: ABS-CBN News