Kahit anong mangyari ‘wag kang aamin! Dating OFW may ibinunyag tungkol kay GMA host Arnold Clavio

Usap-usapan ngayon sa social media ang tungkol sa ibinunyag ng dating Overseas Filipino Worker (OFW) na si Sara Balabagan laban kay GMA Host Arnold Clavio.

Ayon kay naging viral video ni Balabagan, itinuturo nito si Arnold Clavio na ama ng kanyang panganay na anak.

Napilitan umano magsalita ni Balabagan dahil narin sa nasasangkot siya sa kumakalat na viral post patungkol na rin sa kanyang anak.

“Kaya ko to ginagawa dahil after 22 years, lumabas na naman. Sabi nga nila, walang bahong hindi lalabas… Hindi naman po ako nalungkot dahil by God’s grace, masaya na ako sa buhay ko… Idinagdag pa niya na siguro ay will ng nasa Itaas ang mga nangyayari para maitama niya ang lahat ng dapat maitama…” saad pa ni Balabagan sa kanyang video.

“Hindi naman po habambuhay, e, buhay ako para sagutin ang mga haka-haka at mga tsismis na ‘yan… Paano ‘pag wala na ako sa mundo? Tapos hindi ko ito kinorek? Baka mamaya maging multo pa ito sa anak ko…” dagdag pa nito.

Ikweninto rin ni Sara kung papaano sila nagkakilala ng GMA host na si Arnold Clavio.

“Nagkakilala kami ni Arnold nu’ng panahong ako ay nakapiit pa at dinalaw nila ako doon… Naging close kami noon ni ‘Kuya Arnold’…at nu’ng unuwi ako sa Pilipinas noon August 1, 1996, isa po siya sa mga nag-cover ng kaso ko. Naging exclusive la nga niya ang story…” saad pa ni Sara.

“Alam niyo naman kung gaano siya ka-kengkoy. Hindi kang ‘yung mukha niya kundi pari na rin ‘yung sense of humor niya. Kahit umiiyak ako, e, napapatawa niya ako… Galing ako sa kulungan noon and just imagine kung gaano ako ka-vulnerable noon pero hindi ko po idya-justify kung ano ang nagawa ko po…. Si ‘Kuya Arnold’ din ang kauna-unahang tao na nagpasyal sa akin sa Maynila. At siya rin ang kauna-unahang tao na nagyayang manood sa akin ng sine,” dagdag pa nito.

Ayon pa kay Sara, sinabihan umano siya ni Clavio na kung maaari ay wala dapat umanong makaalam sa kanilang relasyon dahil pamilyado na tao si Clavio.

“Ang sabi kasi sa akin noon ni Arnold, e, walang aminan. Kahit ano raw ang mangyari, e, ‘wag akong aamin… I was 17 years old nu’ng mga panahon na ‘yun at talagang napaniwala niya ako,” giit pa ni Balabagan.

My response to Arnold Clavio Issue. And If you have questions , you can join me at my radio program #SariSarah every Tuesday 7pm pacific time or Wednesday 10am pinas time @ #PHLVRADIO. Thank you all for your prayers, love & support. God bless you all! With Jun Santiago Sereno

Posted by Sarah Balabagan Sereno on Thursday, August 20, 2020