Kakaiba ang leadership!: Inday Sara Duterte joins US funded leadership program

Nakitaan ng United States si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ng potensyal sa matagumpay nitong pamumuno sa lungsod ng Davao.

Isa ang babaeng anak ni Pangulong Duterte ang napili bilang isa sa mga politikong makikilahok sa International Visitor Leadership Program (IVLP) na pinunduhan ng US State Department.

Ibinahagi ni US Deputy Chief Of Mission John Law ang larawan ni Davao City Mayor Inday Sara at iba pang kalahok sa IVLP sa kanyang twitter post nitong Byernes January 10.

“Privileged to welcome to Embassy @StateIVLP participants: @davaocitygov Mayor @indaysara, Task Force Davao Commander Consolito Yecla, @zambocitygovt Mayor @Beng_Climaco, and Chief of Staff Mike Saavedra. #USPHExchanges #FriendsPartnersAllies @StateDeptCT,” sabi nya sa kanyang twitter post.

Ayon sa article na isinulat ng Politiko, Ang mga participants na lalahok sa naturang event ay pinili ng mga kawani sa US Embassies sa buong mundo.

Ngunit wala pa umanong karagdagang detalye sa gaganaping event.

Isa si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio sa mga itinuturing at posibleng tatakbo bilang Pangulo ng bansa sa darating na eleksyon.

Recommended For You

About the Author: root