Karen Davila supalpal ang inabot sa isang Abogado: “Ikaw na ba ang Pangulo, para magsabi kung ano ang pwede at hindi pwede?”

Kamakailan lang ay naging usap-usapan sa social media ang tungkol sa naging ikalimang State of the Nationa Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Maraming mga kilalang personalidad ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa kakatapos lang na SONA ni Pangulong Duterte.

Ayon sa mga kritiko ng Pangulo, tila hindi umano SONA ang nangyari kundi isang paghihiganti sa mga bumabatikos sa kanya dahil wala umano itong inilatag na plano upang labanan ang lumalalang pandemya sa bansa.

Isa na nga jan ang news anchor na si Karen Davila na kung saan sinabi nito na dapat ang paglalatag ng mga plano upang mapigilan ang pandemya sa bansa ang itinalakay ng Pangulo sa SONA at hindi ang kanyang pansariling paghihiganti sa mga bumabatikos sa kanya.

Kaya naman hindi nakapagpigil si Atty. Nick NaƱgit na kung saan agad nito sinupalpal ang ANC Headstart host na si Karen Davila.

“1. Ayaw mo sa opening, so saan ba dapat ilagay ng Pangulo ang pangalan ng senador o pribadong kumpanya? Sa bandang huli ng SONA? Sagot!” tanong ni Atty. Nick kay Karen Davila.

Ayon pa kay Atty. Nick, kung nakikinig lamang umano si Davila sa isinagawang SONA ng Pangulo ay maririnig niya ang mga planong inilalatag ng administrasyong Duterte.

“2. Hindi ba estado ng bansa ang inilahad niya? Nakinig ka ba ng husto o mas inatupag mo ang guhit ng iyong kilay na pabagu-bago bawa’t episode mo bilang blogger? Sagot!” dagdag pa nito.

“3. Inspirasyon ba kamo? Teka, saang manual o libro nakasaad yan o kung ano ang dapat nilalaman ng SONA? Ikaw na ba ang Pangulo, para magsabi kung ano ang pwede at hindi pwede? Wow, ambisyosa ka, teh! Di ako na inform. Sabagay, baka nga Pangulo ka na sa Twitter nation” giit pa nito.