Kasalanan niya ito! Buhay party-list Rep. Lito Atienza blames House Speaker Cayetano over ABS-CBN closure

Sinisisi ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza si House Speaker Alan Peter Cayetano dahil sa nangyaring pagsasara ng isa sa pinakamalaking TV network sa bansa na ang ABS-CBN.

Sa naging interview sa kanya ng ANC’s ‘Headstart’, binatikos ni Atienza si Cayetano dahil umano sa kapabayaan nito tungkol sa franchise renewal ng naturang estasyon.

Humingi rin siya ng patawad sa publiko dahil sa nangyaring ito at inako nito na kasalanan ng kongreso ang nangyari.

“I would like to apologize for the failure of Congress to do its job. Kasalanan namin ito. Kasalanan ng Kongreso ito. But more important, I’d like to say squarely, kasalanan ni Speaker Cayetano ito. Pagkukulang niya ito sa bayan,” saad ni Atienza.

Hindi umano pinansin ni Cayetano ang franchise renewal ng ABS-CBN at pati na rin ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“He will have to explain one day. It may not be today, but later on, this issue will hound him because he is the one who did not do his job. Even the President kept on reminding him, ‘Do your job. Magtrabaho na kayo. Aksyunan niyo ‘yan.’ What did he do? Nothing,” dagdag pa nito.

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang tungkol sa pagsasara ng isa sa pinakamalaking TV network sa bansa na ang ABS-CBN.

Ito’y kasunod sa pagbibigay ng cease-and-desist order ng National Telecommunications Commission (NTC) na nagpapatigil sa kanilang upang umere.

Marami ang nagpahayag ng suporta sa naturang estasyon at kasama na rin ang mga iba’t ibang kilalang celebrity sa bansa na nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa nangyaring ito.

May iilang mga senador sa bansa rin ang nag pahayag na ng kanilang pagkadismaya sa nangyari sa estasyon at nagpahayag ng kanilang suporta sa naturang estasyon.