Kontrata ng mga Kapamilya Talents suspendido na umano ayon sa PhilStar

Kontrata ng mga Kapamilya Talents suspendido na ayon sa PhilStar

Matatandaan na nahaharap ngayon sa malaking suliranin ang ABS-CBN TV network matapos kwestiyunin ang kanilang prangkisa.

Kaya naman hindi imposible ang kumakalat ngayon na impormasyon na umano’y suspendido na ang mga kontrata ng mga Kapamilya Stars.

Ayon sa inilathala na report ng PhilStar, Nakatanggap umano sila ng impormasyon tungkol sa kalagayan ngayon ng mga Kapamilya Stars na kung saan suspendido na raw ang mga kontrata ng mga ito.

Ayon pa sa source ng PhilStar, hanggang Agosto na lamang umano sasahod ang mga artista sa naturang kumpanya.

Pinapayagan na raw ng ABS-CBN na tumanggap ang mga artista nila ng mga projects sa labas ng kanilang network.

Pinagiisipan na umano ng management kung papaano sila magtatanggal ng mga empleyado. Ilan sa kanilang tinitingnan na hakbang ay ang retrenchment, Manpower Reduction Program (MRP), No Work No Pay o Shutdown.

Ayon pa sa source ng PhilStar, mas pipiliin pa umano ng pamunuan ng ABS-CBN na magsara sila ng tuluyan kaysa ibenta ang ABS-CBN.

Kamakailan lang ay naging usap-usapan sa social media ang tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN TV Network na kung saan nahaharap ito sa matinding pagsubok.

Ipinag-utos ng National Telecommunication Commission (NTC) na itigil ng naturang estasyon ang kanilang pag-ere dahil sa pasong prangkisa noong umpisa ng Mayo.

Pinatigil rin ng NTC ang SKY Direct at TV Plus ng ABS-CBN.