Korina Sanchez sa mga hindi boboto pabor sa ABS-CBN franchise: “Di kaya sila kidlatin ng langit?”

Muling bumanat si Korina Sanchez sa kanyang social media laban sa mga kongresista na hindi boboto pabor sa pagbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN.

Sa kanyang Instagram post, Sinabi ng beteranang mamamahayag na wala umanong napatunayan ang mga mambabatas na may mga nilabag na batas ang ABS-CBN.

Iginiit rin ni Korina na wala umanong perpektong kumpanya, kaya nararapat lamang umano na bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

“Wala mang mapatunayang violations, nagpapakumbaba ang pamunuan ng network at umaamin na wala namang kumpanya na perpekto. Wala. At bukas ang network sa pagtutuwid ng hindi perpekto. Lalo naman na hindi perpekto ang mga kongresista.” saad pa ni korina sa kanyang Instagram.

“Kung walang mapatunayang violations, at nagpapakumbaba parin ang network executives, ipagkakait parin ang franchise renewal at isasarado parin ang ABSCBN? Di kaya sila kidlatin ng langit?” dagdag pa nito.

Sa kanyang magkahiwalay na Instagram post, sinabi rin ni korina na kahit hindi perpekto ang ABS-CBN, wala umanong napatunayan ang mga mambabatas sa kanilang pagdinig na paglabag ng ABS-CBN.

“Sino ba yung nagsasabing walang ginawang tama ang ABSCBN? And that because of imperfections, and not even proven violations, it needs to be shut down? After 65 Years of broadcast excellence? Am looking at just a few of the awards received by TV Patrol and Rated K, from both here and abroad. Modesty aside, there is a room full of trophies for just these 2 ABSCBN shows.” saad pa nito.

“Parang nakakalimutan yata ito. Kung napakaraming parangal mula sa pinaka-prestihyosong mga organisasyon ang network, hindi nga ba’t patunay yan na In The Service of the Filipino ang pinaghirapan naming lahat na gawin?” dagdag pa niya.

Binatikos rin ni Sanchez ang tila pambu-buly umano ng mga miyembro ng committee sa mga kinatawan ng ABS-CBN sa isinasagawang hearing sa kongreso.

“What huge infraction did ABSCBN commit to merit such bu1llying and torture and disrespect from some of the Lower House Committe members? Anyway, hindi naman siguro krimen nanaman ang magtanong lang. Ewan ko ba.” saad pa nito.

Source: Instagram/Korina , Korina Sanchez