Kristine Hermosa tinawag na “Ingrata” matapos maglabas ng pahayag tungkol sa ABS-CBN shutdown

Kristine Hermosa tinawag na “Ingrata” matapos maglabas ng pahayag tungkol sa ABS-CBN shutdown

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang tungkol sa pagsasara ng isa sa pinakamalaking estasyon sa bansa na ang ABS-CBN.

Matatandaan na nag labas ng cease-and-desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) na naguutos na tumigil sila sa pag-eeri.

Marami ang nagpahayag ng kanilang mga suporta sa naturang estasyon, pati narin ang mga kilalang mga artista ay naglabas na rin ng kanilang mga saloobin sa nangyaring pagsasara.

Kasama sa sila Vice Ganda, Regine Velasquez Coco Martin ,Kim Chiu at marami pang kilalang artista ang nagpahayag ng kanilang suporta sa naturang estasyon.

Ngunit may iilan rin artista ang tila sumasalungat sa ipinaglalaban ng mga artista tungkol sa pagsasara ng naturang estasyon.

Isa na jan ang aktres na si Kristine Hermosa na nag viral sa social media ang kanyang naging pahayag.

Hindi sinabi o na mention ng aktres ang ABS-CBN or kahit sinong personalidad sa kanyang social media post, marami ang nagsasabi na ang naging pahayag na ito ng aktres ay tungkol sa naturang estasyon.

“God’s plan will always be greater and more beautiful than all your disappointments. May we ever choose the wider right instead of the easier wrong,” saad pa ng aktres.

Kaya naman hindi mapigilan ng ilang taga suporta ng ABS-CBN na batikusin si Kristine Hermosa dahil sa naging pahayag niya.

“After how many years napakinabangan ang ABS-CBN, ganito ipopost niya. Napakaingrata naman. At ipokrita kung idedeny nya na hindi para sa TV network itong post na ito. Kunsabagay matagal na pala siyang wala sa ABS-CBN kaya basura na para sa kanya ang naging bread and butter niya ng ilang dekada” saad pa ng isang netizen.