Lawyer slams Karen Davila: “Masyado kang feeling importante, asyuming at ksp”

Kamakailan lang ay naging laman ng balita at social media ang tungkol sa tuluyang pagsasara ng isa sa pinakamalaking estasyon sa bansa na ang ABS-CBN.

Ito’y matapos bumuto ang mga kongresista na huwag bigyan ng panibagong prangkisa ang Kapamilya network dahil na rin sa mga nilabag na ito.

Maraming mga kilalang personalidad at mga senador at nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa naturang pangyayari.

Sinabi ng mga taga suporta ng ABS-CBN, isa umano itong pagkitil sa malayang pamamahayag dahil isa umano ang ABS-CBN sa nagbibigay ng impormasyon sa publiko.

Isa na jan si Karen Davila na kilalang news anchor ng ABS-CBN na kung saan naging vocal ito sa pagpapahayag ng kanyang pagkadismaya sa naging resulta ng botohan ng mga kongresista.

Kaya naman agad na rumesbak ang kilalang Blogger at abogada na si Luminous by Trixie Cruz-Angeles & Ahmed Paglinawan na kung saan ipinaliwanag nito kay Karen Davila ang mga sumusunod.

Sinabi nito na hindi binigyan ng kongreso ang ABS-CBN ng panibagong prangkisa dahil sa kanilang paglabag sa dati nilang prangkisa at sa mga batas at constituion ng bansa.

“The government has no authority to come after every and all entities involved in media merely for being involved in media.”

Sinupalpal rin nito si Karen Davila at sinabing huwag maging “Feeling” dahil hindi umano ito isyu tungkol sa mga mamamahayag.

“So masyado kang feeling importante, asyuming at ksp. Libog na libog sa sarili. Ate, walang pakialam ang gobyerno sa yo. Wala kang pangalan at mukha sa mata ng gobyerno habang wala kang ginagawang labag sa batas.”

“Pero kung gusto mo talagang makitang parusahan ng gobyerno ang maraming media practitioners, subukan mo sigurong mang-engganyo ng mga kapwa mo na gumawa ng krimen.” dagdag pa nito.