Lawyer to Robredo: “Abugada ka at dati pa ngang Kongresista?!”

Kamakailan lang ay naging usap-usapan sa social media ang tungkol sa naging pahayag ni Vice President Leni Robredo tungkol sa kanyang payo sa DepEd.

Matatandaan na pinayuhan ni Robredo ang DepEd na kung maaari ang pansamantalang gamitin na lamang ang pondo sa pagsasa-ayos ng mga school building sa pagbibili ng gadgets at mga kagamitan para sa distance learning.

Dahil dito, hindi mapigilan ng kilalang abogado na si Nick Nañgit na kwestiyunin si Robredo dahil sa kanyang naging pahayag.

“Alam nyo po ang paglalaan ng pondo para sa rehabilitasyon ng mga pampublikong paaralan ay nakasaad na sa national budget na makikita sa GAA o General Appropriations Act.” saad pa ni Atty. Nañgit.

“Batas yan, at may mga line items para diyan. May mga probisyon din tayo sa Revised Penal Code na nagsasabing bawal gamitin ang mga nakalaan na paggagastusan sa mga bagay na hindi naman para doon. Maaaring malversation yan ng pondo.” dagdag pa nito.

“Kung kinakailangang ibaling sa iba ang pondo, dapat gumawa muna ng bagong batas, at hindi yung kung anu-ano na lang ang maisip e tama agad, kahit ano pang hangarin mo!” saad pa ni Atty. Nick.

BASAHIN ang kanyang facebook post:

Umariba ulit si Madam!

Alam nyo po ang paglalaan ng pondo para sa rehabilitasyon ng mga pampublikong paaralan ay nakasaad na sa national budget na makikita sa GAA o General Appropriations Act.

Batas yan, at may mga line items para diyan.

May mga probisyon din tayo sa Revised Penal Code na nagsasabing bawal gamitin ang mga nakalaan na paggagastusan sa mga bagay na hindi naman para doon. Maaaring malversation yan ng pondo.

Kung kinakailangang ibaling sa iba ang pondo, dapat gumawa muna ng bagong batas, at hindi yung kung anu-ano na lang ang maisip e tama agad, kahit ano pang hangarin mo!

Bakit ganun?

E kasi nga, iniiwasan ng batas ang pagpapaikut-ikot ng kaperahan na maaaring maging sanhi pa ng korapsyon. Kung hindi, ano pa ang saysay ng paggawa ng national budget kung pwede naman palang gamitin ang pondo o malilikom na pera sa kahit ano na lang? Nasa Saligang Batas din natin yan!

E kasi rin yan ang sistema ng ating bansa. May mga batas na dapat sundin, kaya nga may parusang kulong pag gumawa ng krimeng malversation.

At saka ang rehabilitasyon ng mga gusali ay kinakailangang gawin, dahil pangmatagalan yan at, ayon din sa mga arkitekto at inhinyero, regular itong gagawin para hindi lalong masira ang mga gusali kapag ito ay pinabayaan.

Ang mga gadgets at distance learning equipment ay pansamantalang solusyon lamang, habang wala pang permanenteng solusyong magpapatigil na sa pagkalat ng veerus. May option din na modular instruction, atbp.

Ngayon, dapat alam mo yan!

Diba, Madam, abugada ka at dati pa ngang Kongresista?! 😲😱🥴