“Loko-loko pala kayo e” Arnel Ignacio sinupalpal ang mga kritiko ni Pangulong Duterte na sumisigaw ng ‘OustDuterte’

Viral ngæyon sa social media ang naging pahayag ni Arnel Ignacio isang opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration tungkol sa pambabatikos ng mga oposisyon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaan na nitong nagdaang araw ay naging laman ng social media ang tungkol sa naging pahayag ni Pangulong Duterte laban sa mga leftist groups.

Sa naging pahayag ni Pangulong Duterte, binantaan nito ang mga leftist na huwag manggulo habang naka quarantine ang bansa.

“Huwag ninyo akong takutin ng gulo-gulo kasi kung gusto talaga ninyo ng gulo, guguluhin natin ang bayan natin tutal wala pa namang pagkain. Kung gusto ninyo nung barilan, eh ‘di sige. Gusto ninyo ng pukpukan, sige. I will not hesitate… My orders are sa pulis pati military, pati mga barangæy na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagæy sa alanganin, sh0*t them dead.” pahayag ni Pangulong Duterte laban sa mga leftists matapos magsagawa ng rally.

“Naintindihan ninyo? Patay. Eh kaysa mag-gulo kayo diyan, eh ‘di ilibing ko na kayo. Ah ‘yung libing, akin ‘yan. Huwag ninyo subukan ang gobyerno kasi itong gobyerno na ito hindi inutil,” dagdag pa ng Pangulo.

Sa kasamaang palad ay ginagamit ito ng mga oposisyon at mga kritiko ng Pangulo upang siraan ito sa mga netizen.

Kaya naman agad na sinagot at sinupalpal ni Arnel Ignacio ang mga bumabatikos sa Pangulo at ipinaliwanag kung bakit sinabi iyon ng Pangulo.

“Ano ba ang speech niya pinagpuputok ng butchi niyo? Ano bang ina-address niya? Una ang ina-address niya, ilang beses niya sinabi,’kayong mga left, kayong makakaliwa’, kasi nga nagsisimula ng manggulo ang KADAMAY… Ano ang gustong niyong gawin ng law enforcers kung may nanggugulo? ‘Parang come here baby’ Loko-loko pala kayo…” saad pa ni Arnell.

“Magkatapatan tayo, ang mga Pilipino ba madaling pasunurin? Simpleng traffic lang, ang hirap pasunurin. Ayaw niyo pa na kilusan ng todo ng mga enforcers natin?” dagdag pa nito.

Nakakadismaya umano ang mga Pilipino dahil kahit na ginagawa na ng gobyerno ang lahat upang matulungan ang bawat pilipino ay mas pinili parin nilang siraan si Pangulong Duterte.

“Sa panahong ganito. ‘yan pa ang maiisip ninyo? Where are you coming from? Ang hirap tulungan ng mga Pilipino. Kaya si Presidente ang sarap hatakin at hayaan na lang ang mga iyan. Baka ikaw pa batukan ‘nun eh dahil mahal niya ang Pilipino,” pahayag pa ni Arnell.

Ang simplenng sinasabi ni prrd kung saan sana niyo an naman dinala

Posted by DA Arnell Owwa on Thursday, April 2, 2020