LOOK: Actor Robin Padilla challenges ABS-CBN & GMA7 superstars: “Bago niyo ipaglaban ang karapatan ng kumpanya unahin niyo yun tao ng kumpanya…..”

Viral ngayon sa social media ang naging komento ng kilalang aktor at taga suporta ng Pangulo na si Robin Padilla na kung saan hinamon nito ang mga superstars ng ABS-CBN at ng GMA7.

Sa kanyang facebook post, hinamon ng aktor ang mga superstars ng ABS-CBN at pati na rin ang GMA7 na kung saan ay ipakita nila sa publiko ang mga kontrata nila at ikumpara sa mga sweldo ng mga normal na trabahante ng dalawang estasyon.

“God is great!! para sa mga superstar ng abscbn at gma hinahamon ko kayo humarap ng live at ipagtanggol nyo ang mga network niyo ilabas natin ang mga contract natin at ikumpara natin sa mga kasama natin sa trabaho sa taping at shooting ipakita natin sa taongbayan ang tinatamasa natin sa mga network natin at ang tinatamasa ng sinasabi ninyong ipinaglalaban niyo na wag mawalan ng trabaho.” saad ng aktor sa kanyang facebook post.

Ayon pa kay Robin, mas dapat umano unahin ng mga superstars na protektahan ang mga karapatan ng kasamahan nila na nagtratrabaho sa estasyon bago nila protektahan ang naturang kompanya.

“Gusto niyo pala itama ang mali abay umpisahan natin sa una pag usapan muna natin ang tamang sueldo benepisyo at tamang oras ng trabaho ng mga kasama natin sa taping at shooting bago niyo ipaglaban ang karapatan ng kumpanya unahin niyo yun tao ng kumpanya na kasama niyo sa bawat araw sa location at wag niyo proteksyonan lang ang regular employees paano yun mga hindi regular?” wika pa ng aktor.

You may read his full post below:

God is great!! para sa mga superstar ng abscbn at gma hinahamon ko kayo humarap ng live at ipagtanggol nyo ang mga network niyo ilabas natin ang mga contract natin at ikumpara natin sa mga kasama natin sa trabaho sa taping at shooting ipakita natin sa taongbayan ang tinatamasa natin sa mga network natin at ang tinatamasa ng sinasabi ninyong ipinaglalaban niyo na wag mawalan ng trabaho.

Gusto niyo pala itama ang mali abay umpisahan natin sa una pag usapan muna natin ang tamang sueldo benepisyo at tamang oras ng trabaho ng mga kasama natin sa taping at shooting bago niyo ipaglaban ang karapatan ng kumpanya unahin niyo yun tao ng kumpanya na kasama niyo sa bawat araw sa location at wag niyo proteksyonan lang ang regular employees paano yun mga hindi regular?

yun mga tao sa tent niyo at portalet buwan hanggang taon yan na kasama ninyo depende sa haba ng show niyo natanong niyo man lang ba kung sub contract ba sila ng regular employee ng abscbn at kung may overtime pay ba sila? Ilan ang laborer at sub contract ng regular employees ng abscbn? Sino sino? Yun pagkain parehas ba kayo ng kinakain ng mga crew? Tama ba sa sustansya?

Ipaglaban ninyo ang agreement ng DOLE at ng FDCP sa mga network nyo at kapag nakuha niyo yun para sa mga taong nagpapakahirap talaga na kasama ninyo kahit umulan o umaraw magpuyatan man o hindi tsaka niyo ipaglaban ang sinasabi ninyong karapatan ng isang multi billion na kumpanya. I am not against abscbn franchise but we have to be real this is the only chance na kayo ang maging daan para mabago ang takbo ng working state nating lahat sa entertainment industry magpagamit muna kayo sa mahihirap sa mga taong nagdala sa inyo sa kasikatan bago sa mga mayayaman .

I am for abscbn renewal pero include the agreement of Chairwoman Liza DIƱo and Secretary Silvestre Bello in there mission and vision una muna tayong magserbisyo sa mga tao natin sa loob natin! sa bakuran natin! bago tayo mangapitbahay. Anytime ako anywhere ilabas natin mga contract natin let us compare our salaries to our kapamilya co workers at isama niyo na mga kapuso at mga kapatid. Magpalabasan na tayo para makita ng publiko let us give it to them tutal napakadrama ninyo gawin na nating teleserye punuin natin ng revelations ang isyu na ito na dapat pinag uusapan sa korte at congress. Hindi lahat sa mundo ay Showbiz at Politics one way or the other the revolution of the people has to be realized!