LOOK: Award-winning actor na si Christopher De Leon nagpositibo sa COVID-19

Matatandaan na inanunsyo ng Department of Health na nakapasok na sa bansa ang COVID-19 na kung saan mayroon ng mga nagpositibo na mga pasyente sa bansa.

Sa naging pahayag ng award-winning actor na si Christopher De Leon inanunsyo nito na dinapuan umano siya ng coronavirus disease.

Ipinaliwanag nito na wala umano siyang travel history sa labas ng bansa at wala rin umano siyang kilalang nakasalamuha na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon pa sa kanya, maaari umanong nakuha niya ang sakit sa mga kanyang katrabaho. Nanawagan rin siya sa mga kaniyang nakasalamuha o nakaharap na mag pa check o mag self-quarantine upang hindi na tuluyang kumalat ang naturang virus.

“Today, our doctor confirmed that I have COVID-19. I’ve had no recent travel history outside of the Philippines and no known contact with anyone who is positive to have the virus. However, due to the nature of my work in the entertainment business, I have interacted with many people.”

“I therefore ask anyone who has come in contact me within the last week or two to observe stringent self-quarantine, observe for symptoms and follow the triage procedures published by the DOH, whether asymptomatic or not. Please cooperate with the authorities in their contact tracing efforts. My wife Sandy, daughter Mica & our kasambahay are in self quarantine at home.” pahayag ng aktor.

Nanawagan rin siya sa mga Pilipino na ipagdasal siya na sana gumaling na ito, at sana maging maayos na ang lahat.

“In this time of trial, we ask for your prayers and we continue to praise and thank the Lord for His goodness in our lives.”

“Rejoice always, pray without ceasing, give thanks in all circumstances; for this is the will of God in Christ Jesus for you. ( 1Thessalonians 5:18 )” dagdag pa nito.

Kilala si Christopher De Leon sa larangan ng pelikula na kung saan namayagpag ito noong 90’s at hanggang sa kasalukuyan. Humakot rin ito ng iba’t ibang parangal.

Source: DWIZ