LOOK: Blogger Noel Sarifa responds to Singer-Actress Angeline Quinto’s tweet

Hindi maikakaila na usap-usapan ngayon sa social media ang tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN na kung saan ay nakatakda itong magsara kung sakaling hindi sila makakakuha ng bagong prangkisa.

Maraming mga kilalang personalidad na ang nagpahayag ng kanilang suporta sa naturang estasyon, kasama na jan ang kilalang komedyante sa bansa na si Vice Ganda, Angel Locsin, at marami pang iba.

Isa na sa nagpahayag ng kaniyang suporta sa naturang estasyon ay ang Kapamilya Singer na si Angeline Quinto.

Ayon sa naging tweet ng Kapamilya Singer, tinanong nito kung bakit tila minamadali ng gobyerno ang pagsasara sa ABS-CBN tv network at mas inuuna pa ito kaysa sa hinaharapan na problema ng bansa.

“Bakit po atat na atat kayo na mapasara ang estasyon na ito? Pero ang mga problema ng Pilipinas deadma kayo?” tanong ng kapamilya singer.

Kaya naman, Dinepensahan ni Noel Landero Sarifa na kilalang taga suporta ni Pangulong Duterte ang gobyerno tungkol sa sinabi ng Kapamilya Singer na si Angeline Quinto sa kanyang twitter post.

Sinabi ni Sarifa sa kanyang facebook post na hindi nagmamadali ang gobyerno na ipasara ang ABS-CBN, kundi ito ay napapanahon na talakayin dahil mag-eexpire na ang kanilang prangkisa.

“Hindi po atat ang gobyerno na ipasara ang ABS-CBN, napapanahon pong talakayin ang Franchise renewal dahil mag-eexpire na po ang franchise by the end of March.”

“The expiration of the network’s franchise would not mean immediate shutdown, titignan po kung may violations ng franchise or karapatdapat pong i-renew ang franchise. Normal na process po iyan sa lahat ng need magrenew.”

Ipinaliwanag rin ni Sarifa na ang pagfile ng Quo Warraton laban sa ABS-CBN ay tama lamang dahil may nakitang paglabag ang naturang estasyon sa mga kasunduan.

“Ang pagfile po ng Quo Warranto Petition VS. ABS-CBN is a special civil action brought in the name of the Philippines against ABS-CBN franchise dahil may nakikita pong paglabag sa mga kasunduan. Napapanahon din po yun, para matalakay kung may mga pag-labag ba talagang nangyayari, yun ay mga allegation pa po lamang na kailangan pangdesisyonan ng korte suprema kung totoo o hindi.”

Basahin ang kanyang facebook post sa ibaba:

I am not sure if this is Angeline Quinto’s Account, but just to answer this post because it is circulating online.

Kung ang patama ay para as gobyerno.

Hindi po atat ang gobyerno na ipasara ang ABS-CBN, napapanahon pong talakayin ang Franchise renewal dahil mag-eexpire na po ang franchise by the end of March.

The expiration of the network’s franchise would not mean immediate shutdown, titignan po kung may violations ng franchise or karapatdapat pong i-renew ang franchise. Normal na process po iyan sa lahat ng need magrenew.

Ang pagfile po ng Quo Warranto Petition VS. ABS-CBN is a special civil action brought in the name of the Philippines against ABS-CBN franchise dahil may nakikita pong paglabag sa mga kasunduan. Napapanahon din po yun, para matalakay kung may mga pag-labag ba talagang nangyayari, yun ay mga allegation pa po lamang na kailangan pangdesisyonan ng korte suprema kung totoo o hindi.

Bago po binigyang pansin ang Franchise renewal ng ABS CBN, inuna na pong tugunan ng gobyerno ang problema ng Pilipinas, 2016 pa po nagsimulang ayusin ng Pangulo ang problema ng bansa

– Problema sa Droga? May war on Drugs po tayo, maingay po yan imposibleng hindi nababasa or naririnig

– Problema sa Kahirapan at Economy ng Bansa? Naandyan po ang Train Law, naipasa na po ang Package 1, naging maganda na po ang resulta, gumanda ang ating Economy at bumaba ang inflation rate, nakakaadjust na po ang ating lipunan, target nga po ng gobyerno na wala ng mahihirap sa taong 2040 and the government is on track

– Problema sa Traffic at Transportation? Naandyan po ang Build Build Build Project ng Gobyerno na layong solusyunan ang issue mula Luzon, Visayas, Mindanao.

-Problema sa congestion sa Manila? Naandyan na po ang New Clark City, nasimulan na.

– Kakulangan sa Bigas? Ang pinaingay at ginawang kontrobersyang Rice Tarrification Law ang tugon. Nagsubside na po ang mga paninira at maraming binhi at magsasaka na po ang natutulungan, mababa na din ang presyo ng bigas?

– Problema sa government malpractices and emergencies? Nagamit ko na po ang 8888 at 911, matagal na pong nasolusyunan.

– Problema sa Manila bay at Boracay? Narehab na at continuous po ang paglilinis.

– Problem sa Education? 70K classroom na napagawa, may free tuition na ang ating mag-aaral, may libreng sakay, tumaas na din ang bilang ng mag-aaral.

-Problema ng mga magsasaka sa kanilang lupain? Libo-libong ektarya na po ang naipamigay ng Gobyerno.

Halos lahat po ng problema ng bansa, tinutugunan na po ng Gobyerno. Kung atat ang Pangulo na ipasara ang ABS-CBN dapat hindi na sya nag-antay ng expiration ng franchise. Kaya lang sumusunod sa maayos na proseso ang ating Gobyerno. Hindi pa naman nakalockdown ang ABS-CBN di ba? Hayaan nating dumaan sa tamang proseso ang mga bagay bagay. Ang pagtalakay sa ABS-CBN Franchise is just and timely. Hindi po pwersahan.

Wala po akong inaaway dito, nililinaw ko lang po ang issue basi sa aking pang unawa.