LOOK: Kiray on ABS-CBN franchise expiration: “Hindi na po nagma-matter sa akin, problema na po nila yun”

Hindi maikakaila na malaking usapin ngayon ang tungkol sa franchise renewal ng isa sa pinakamalaking TV Network sa bansa ang ABS-CBN.

Kaya naman, marami ang nababahala sa posebleng pagsasara nito dahil lagpas sa dalawang buwan na lamang ay mapapaso na ang franchise ng Kapamilya Network.

Marami na ring celebrities ang umapela kay Pangulong Rodrigo Duterte na ikunsidera nito ang kanyang desisyon tungkol sa franchise renewal ng TV Network.

Kabila sina Sharon Cuneta, na isang malapit na kaibigan ang mga Duterte, at si Yeng Constantino na umapela rin sa Pangulo, at pati na rin ang couple tandem na sila , Liza Soberano at Enrique Gil.

Sa naging panayam naman ng PEP.ph kay Kiray Celis, Sinabi nito na wala na siya sa posisyon upang mag comment sa usaping ito.

“Hindi na po nagma-matter sa akin, siguro problema na po nila yun,” sabi ni Kiray.

Pero umaasa ang dating actres ng ABS-CBN na sana ay maayos nila ang problema upang wala ng tao ang mawawalan ng trabaho.

“Pero sana masolusyonan kasi may nagtatrabaho sa kanila. Nakakalungkot kapag mawala yun siyempre.” saad pa nito.

Ayon na man sa kanya, Wala raw syang pagsisisi sa kanyang naging desisyon na paglipat sa kabilang istasyon (GMA7).

“Napansin ko na wala talaga akong ginagawang show. Puro guesting lang sa [It’s] Showtime, ganun, mga guesting-guesting lang.” saad pa nito.

“O kaya kapag nagpu-promote lang ako ng pelikula kaya nakakapag-guesting ako sa mga shows nila.” dagdag pa ng aktres na lagpas isang taon na sa GMA7.

Source: Pep

Recommended For You

About the Author: root