LOOK: Mayor Inday Sara nagbabala sa Iglesia Ni Cristo, BASAHIN!

Matatandaan na inanunsyo ng Department of Health na mayroon ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, na kung saan marami ng nagpositibo sa naturang virus at patuloy pa itong tumataas.

Binalaan naman ni Davao City Mayor Inday Sara ang isang r3l1gious group na Iglesia Ni Cristo (INC) na suspendihin ang lahat ng aktibidad nito sa lungsod.

Kaugnay ito sa patuloy na pagsasagawa at pagdaraos ng mga pagsamba ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa loob ng kanilang mga kapilya sa kabila ng ipinatutupad na community quarantine sa lungsod.

Kamakailan lang ay ipinag-utos ng Akalde ng Davao sa pamamagitan ng Executive Order no.10 na ipinalabas noong Marso 15, na kung saan isinususpendi nito ang lahat ng aktibidad na panrelihiyon upang makaiwas sa banta ng COVID-19.

“We already told you through an executive order that all r3l1gious ceremonies should be suspended.” pahayag pa ng alkalde.

Inanunsyo ito ng alkalde matapos makatanggap ng mga ulat na patuloy parin ang naturang r3l1gious group sa mga aktibidad.

“I want to remind members of Iglesia Ni Cristo that praying inside the chrch will not save you from the virus. It will not prevent you from getting infected and from getting sick,” saad pa ng alkalde.

Agad naman sinabi ni Mayor Inday Sara na kung patuloy pa umanong hindi sumunod ang Iglesia ni Cristo sa nasabing Executive Order, ay maaari umano itong humantong sa aksyong legal ng lokal na pamahalaan.

“If we cannot appeal to INC to suspend their activities, then we are exploring what we can do on the legal side,” pahayag pa nito.

“I ask our brothers and sisters from the INC in Davao to please stop attending your ceremonies,” dagdag pa nito.

Source: Inquirer