LOOK: Mayor Inday Sara reacts on SEA Games Opening Ceremony: “Yes, nega ako, bakit?”

Naging trending sa social media ang naging Opening ceremony ng SEA Games o Southeast Asian Games na ginanap sa Philippine Arena.

Maraming netizen ang natuwa at humanga sa opening ceremony kagabi November 30 2019 dahil sa napaka world class na ipinakita.

At marami ring mga pinoy ang naging proud sa ipinakita ng organizer ng SEA Games dahil sa opening ceremony na tila pang world class ang dating.

Ngunit naging usap-usapan rin ngayon ang instagram post ng alkalde ng lungsod ng Dabaw na si Inday Sara Duterte.

Ayon sa kanyang instagram post tila kinuwestyon nito kung bakit halos lahat ng kinanta sa opening ceremony ng SEA games ay tungkol sa lungsod ng Maynila.

“Di po ba Philippine flag ang dala? Why would you play the song Manila? Did Lapu-Lapu die for Manila? Wag po natin gawing excuse ang upbeat danceable song.” saad ni Inday Sara sa kanyang Instagram post.

Ayon kay Duterte, dapat sinali raw ang mga kanta ng mga taga Visayas, at Mindanao dahil may kanya kanya rin itong musika.

“Kami nagimbento ng budots. Kaloko man oie. We should be inclusive when we want to encourage our countrymen to cheer. Yes, nega ako, bakit? I am a Filipino but I don’t have one drop of Tagalog blood in me. Pure Vismin by birth and Ilocos by marriage.” dagdag pa nito.

Recommended For You

About the Author: root