LOOK: Radio host Mark Lopez comes up with brilliant idea to solve traffic problem: “It actually addresses many problems, not just traffic”

Hindi natin maikakaila na malubha na ang trapiko sa metro manila at sa mga kalapit nito na syudad. Gayun pa man hindi tumitigil ang gobyerno na hanapan ng pangmatagalan na solusyon ang problemang ito.

Matatandaan rin na ang mga ibang party-list group ay hinamon si Presidential Spokesperson Salvador Panelo na gawin ang “commute challenge” upang mapatunayan na malaki ang problema sa trapiko.

Kaya naman, kahit ang mga kilalang mga taga suporta ng Pangulong Duterte ay hindi tumitigil na magbigay ng solusyon o mga idea na mabawasan man lang ang problema sa trapiko.

Isa na jan ang kilalang Facebook Blogger at Radio host na si Mark Lopez, na ayon sa kaniyang facebook post ay ang nakikita niyang isang solusyon sa trapiko ay ang “TELECOMMUTING” na kung saan pwedeng magtrabaho ang mga kababayan natin sa kanilang mga bahay.

“One of the solutions to this traffic problem is if people can work from home, right?” ayon kay Mark Lopez.

“It actually addresses many problems, not just traffic, but other issues, especially for young parents who are trying to establish and build up their family.” dagdag pa nito.

Ayon sa kaniya, Malaking bagay ang pwedeng makapag trabaho habang nasa loob ng bahay dahil makakaiwas sa trapik. ang “TELECOMMUTING” ay matatandaan na eh pinush na ni Pangulong Duterte upang maging isang batas. Pirmado na since December 2018 ang RA 11165 or TELECOMMUTING ACT.

Hinikayat rin ni Lopez ang mga malalaking kumpanya na i adopt ang ganitong “work policy for employees na qualified or can be considered for telecommuting.”

“Isa ito sa malaki ang maitutulong para maibsan ang problema sa traffic. Maganda din ito para sa mga empleyado na nahihirapan din balansihin ang work-life hours nila.” sabi pa ni lopez.

Source: Mark Lopez

Recommended For You

About the Author: root