LOOK: Vice Ganda reacts on ABS-CBN’s possible shutdown: “Ikalulungkot ito ng maraming Pilipino sa Pilipinas at sa buong mundo”

Viral ngayon sa social media ang usaping pagsasara ng isa sa pinakamalaking istasyon sa bansa na ang ABS-CBN TV Network.

Maraming mga netizens ang natutuwa sa balitang ito dahil umano sa pagka bias na pagbabalita ng istasyon tungkol kay Pangulong Duterte.

Pero marami rin ang hindi natuwa dahil sa panggigipit umano ng administrasyon sa istasyon.

Isa na jan sa nagpahayag ng kanyang saloobin ay ang kilalang komedyante na si Vice Ganda at ang artista na si Angel Locsin.

Ayon kay Vice Ganda ang posibleng pagsasara umano ng ABS-CBN TV Network ay ikalulungkot ng maraming Pilipino sa bansa at pati na rin sa buong mundo.

“Ikalulungkot ng higit na nakararaming Pilipino sa Pilipinas at sa buong mundo kung isasara ang ABS-CBN. #NoToABSCBNShutDown,” tweet ni Vice Ganda.

Sinabi ito ni Vice Ganda matapos maghain ng Quo warranto ang office of Solicitor General sa Supreme Court na kung saan kinukwestiyon ang legality ng prangkisa ng nasabing istasyon.

“Praying that the law shall be used to protect jobs, press freedom, justice and betterment of the Filipino people 🙏” saad rin ni Angel Locsin sa kanyang tweet.

Nagbigay rin ng suporta ang mga fans ni Vice Ganda at nagbigay ng komento sa posibleng pagsasara ng istasyon.

“Couldn’t imagine opening tv and there’s no Kapamilya channel, how would my kids grow charot pero seriously, nakakalungkot pag nawala talaga abs cbn 😩#NoToABSCBNShutDown” sabi ng isang netizens.

“Anong klase pang gobyerno meron tayo kung ipapasasara ang isang company gaya ng abscbn.? Magbibigay ba sila ng trabaho sa mga mawawalan ng trabaho? Iam not an abscbn employee but alam ko nararamdaman mawalan ng trabaho. #NoToABSCBNShutDown” sabi naman ng isang netizen.