Lumang style na iyan! Jobert Sucaldito reacts to ABS-CBN President Carlo Katigbak opening speech: “Mukhang na-master na nila ang paawa effect para makakuha ng simpatiya sa bawat Pilipinong nabobola nila”

Kamakailan lang ay naging usap usapan sa social media ang naging pagdinig ng kongreso tungkol sa prangkisa ng isa sa pinakamalaking tv network sa bansa na ang ABS-CBN.

Matatandaan na naglabas ng cease-and-desist order ang National Telecommunication Commissions upang ipagutos na ipatigil ang pag-ere ng naturang estasyon.

Sa nangyaring Congressional hearing nitong nagdaang araw, nagsalita at nagbigay ng pahayag ang President ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak tungkol sa nangyari sa kanilang estasyon.

Ngunit marami ang bumatikos sa ginawang opening speech ni Katigbak dahil umano sa tila nagpapa awa ito sa kongreso at sinusubukan nilang makakuha ng simpatya mula sa taong bayan.

Kaya hindi napigilan ni Jobert Sucaldito na maglabas ng kanyang saloobin tungkol sa naging opening speech ng President ng ABS-CBN na kung saan puro paawa lamang umano ang ginawa nila.

“Napanood ko finally in full ang Congressional hearing kanina re the renewal of ABS-CBN franchise sa YouTube. ABS-CBN President Carlo Katigbak delivered his opening speech with an emotional appeal sa mga kongresista referring to himself as a beleaguered kapamilya fearing for the future of every employee that may lose job should they not be granted the much-needed franchise.”

“Diyan magaling ang ABS-CBN – sa pagkundisyon sa mga utak ng sambayanan na para silang inaapi when in fact sila itong magaling mang-api sa kanilang mga empleyado in the past. Mukhang na-master na nila ang paawa effect para makakuha ng simpatiya sa bawat Pilipinong nabobola nila. Paano na lang daw ang magiging buhay ng mga empleyado nila should they lose their jobs lalo na in time of this pandemic?” dagdag pa nito.

Ibinahagi rin ni Sucaldito ang ginawa sa kanya ng kapamilya network na kung saan tinanggal umano ito sa trabaho at ang masakit pa umano ay wala siyang natanggap na sweldo.

“Talaga lang ha. Naisip niyo iyon – ba’t ngayon lang? Dahil may kailangan kayo sa gobyerno kaya pati taumbayan ay sinasali ninyo sa emotional appeal ninyo?”

“Ibabalik ko lang Mr. Carlo Katigbak ang statement mo – paano kaya kaming pinagtatanggal ninyo at sinuspinde indefinitely? Naisip niyo rin ba ang naging buhay ng more than 100 cameramen na pinagtatanggal ninyo nung 2010 at pinakain pa sa five-star hotels bago ninyo sinabing they’re no longer connected with your company?”

“Ok, wala ka pa nung panahong iyon but as you speak kanina, you were speaking on behalf of the management kaya ganoon na rin iyon. Naawa ba kayo sa kanila? Naawa rin ba kayo sa mga pamilya nila? Naisip niyo ba kung saan sila kukuha ng ipapakain nila sa mga anak nila nung tanggalin niyo sila sa kompanya? Are you serious with what you said kanina or nagpapatawa ka lang?”

“I will go personal naman this time. Wala pang COVID19 nung sinuspinde ninyo ako indefinitely (WITHOUT PAY pa ang specifications ninyo) last January 10, 2020 sa DZMM at inabutan ako ng pandemic na walang trabaho. Naisip din ba ng ABS-CBN kung ano na ang ipapakain ko sa anak at pamilya ko gayong wala akong trabaho? Saan ako kukuha ng perang pambayad at baon ng anak ko sa eskuwelahan niya? Saan ako kukuha ng pambayad sa inuupahan naming apartment gayong wala akong suweldo? Pambayad sa ilaw at tubig? Ang masaklap pa roon ay hindi malinaw kung hanggang kailan ako suspendido at di naman ako puwedeng tumanggap ng trabaho of the same nature sa ibang kumpanya dahil nakapirma ako ng kontrata with you till December 31, 2020.”

Basahin ang kanyang buong pahayag sa ibaba:

Napanood ko finally in full ang Congressional hearing kanina re the renewal of ABS-CBN franchise sa YouTube. ABS-CBN President Carlo Katigbak delivered his opening speech with an emotional appeal sa mga kongresista referring to himself as a beleaguered kapamilya fearing for the future of every employee that may lose job should they not be granted the much-needed franchise. Diyan magaling ang ABS-CBN – sa pagkundisyon sa mga utak ng sambayanan na para silang inaapi when in fact sila itong magaling mang-api sa kanilang mga empleyado in the past. Mukhang na-master na nila ang paawa effect para makakuha ng simpatiya sa bawat Pilipinong nabobola nila. Paano na lang daw ang magiging buhay ng mga empleyado nila should they lose their jobs lalo na in time of this pandemic? Talaga lang ha. Naisip niyo iyon – ba’t ngayon lang? Dahil may kailangan kayo sa gobyerno kaya pati taumbayan ay sinasali ninyo sa emotional appeal ninyo?

Ibabalik ko lang Mr. Carlo Katigbak ang statement mo – paano kaya kaming pinagtatanggal ninyo at sinuspinde indefinitely? Naisip niyo rin ba ang naging buhay ng more than 100 cameramen na pinagtatanggal ninyo nung 2010 at pinakain pa sa five-star hotels bago ninyo sinabing they’re no longer connected with your company? Ok, wala ka pa nung panahong iyon but as you speak kanina, you were speaking on behalf of the management kaya ganoon na rin iyon. Naawa ba kayo sa kanila? Naawa rin ba kayo sa mga pamilya nila? Naisip niyo ba kung saan sila kukuha ng ipapakain nila sa mga anak nila nung tanggalin niyo sila sa kompanya? Are you serious with what you said kanina or nagpapatawa ka lang?

I will go personal naman this time. Wala pang COVID19 nung sinuspinde ninyo ako indefinitely (WITHOUT PAY pa ang specifications ninyo) last January 10, 2020 sa DZMM at inabutan ako ng pandemic na walang trabaho. Naisip din ba ng ABS-CBN kung ano na ang ipapakain ko sa anak at pamilya ko gayong wala akong trabaho? Saan ako kukuha ng perang pambayad at baon ng anak ko sa eskuwelahan niya? Saan ako kukuha ng pambayad sa inuupahan naming apartment gayong wala akong suweldo? Pambayad sa ilaw at tubig? Ang masaklap pa roon ay hindi malinaw kung hanggang kailan ako suspendido at di naman ako puwedeng tumanggap ng trabaho of the same nature sa ibang kumpanya dahil nakapirma ako ng kontrata with you till December 31, 2020. Baka balikan niyo pa ako ng demanda for breach of contract, di ba? After more than 17 long years – nagawa niyo ito sa akin? In short, hahayaan niyo na lang kaming magutom until the end of the year? Mukhang ikasisiya pa nga yata ninyong makitang nagdurusa ako at hahayaang mamatay sa gutom kasama ng sampu sa aking pamilya. Iyan ba ang Kapamilyang sinasabi mo? Ngayon you are appealing to Congress na parang nag-aalala kayo sa mga buhay namin and referred yourself as a CONCERNED KAPAMILYA who cares for your employees. THAT’S A BIG LIE! YOU ARE NOT CONCERNED – sa totoo lang, YOU ARE VERY CRU3L!!!!! ABS-CBN IS VERY CRU3L in the guise of being mabait sa mata ng publiko..Kahit harap-harapan ay taas-noo kong sasabihin sa inyong YOU ARE VERY CRU3L!!!!!!!!

And you guys showed a 5-minute video ninyo of the kabaitan kuno of ABS-CBN – ang mga charitable works ninyong di naman sa bulsa ninyo galing ang mga itinulong ninyo – galing naman lahat sa donors and sponsors. Malay naman naming baka pinagkitaan niyo pa ang mga ito kasi nga, wala namang audit-audit iyan and tax free dahil sa foundation nga ang mga ito. Mula noon hanggang ngayon, ang laki ng kinita ng Lingkod Kapamiya at Batay-Bata Foundation na iyan – alam ba ng mga tao kung magkano lahat ng nalikom ninyong mga cash donations at kung magkano lang ang nailabas ninyo? Show us proofs para mapaniwala niyo kaming di ninyo pinagkitaan ang mga foundations na iyan. Hindi kami mga tanga, Oy!!!!

And suma-tutal, the video you showed is sooooo mababaw. Walang lalim. You attempted to come out heart-wrenching pero di niyo na-achieve. Very loose – VERY SHALLOW using the beautiful narrative voice of Sir Peter Musngi. Doon lang yata kayo panalo – sa magandang boses ni Sir Peter! Ha! Ha! Ha! Showing a canc3r v1ctim na gumaling daw dahil sa fan ng It’s Showtime? Hasus! Malaking ka-echosan. Anong klaseng script iyan? Di ninyo inayos. A fan saying na paborito niya ang “Ang Probinsiyano” kasi marami siyang natutunan dito? Anong makabuluhang natutunan niya specifically sa said show after many years na pag-stretch ng show para pagkitaan lang sa sponsors? Sa totoo lang, sa umpisa lang medyo matino ang “Ang Probinsiyano” pero ngayon? NAKAKAUMAY NA, OY! You tried to condition again the minds of Filipinos na parang ABS-CBN lang ang nagbibigay ng tamang balita at magandang mga entertainment programs. Still, you FAILED! Kaya please lang – STOP THE EMOTIONAL BLACKMA1L!!!!! Lumang style na iyan.

Anyway, I was in awe sa argument ni Congressman Marcoleta who is against the renewal of the network’s franchise. Inisa-isa niya ang alleged violations ng ABS-CBN sa Konstitusyon and very clear siya sa kaniyang defense on every allegations. From the citizenship ni Mr. Gabby Lopez who was a U.S. citizen when he acquired ownership during the Cory administration in the ’80s at nabigyan lang ng Filipino citizenship in 2002; the tax deficits of the network in many forms; the issues on frequencies, cables, PDRs and a lot more. Maliwanag ang kaniyang mga explanations. He also referred some of his arguments sa opening statement ni Mr. Carlo Katigbak and kung bubusisiin mo, nagmukhang puppet lang si Mr. Katigbak after Congressman Marcoleta said his lengthy piece and line of defense. Parang in the end, marami ang naka-realize that Mr. Katigbak’s is not speaking as a pained kapamilya pala – it’s just for the show.

Wait lang, ihabol ko lang ang appeal ni House Speaker Allan Peter Cayetano sa mga kapwa kongresista – na sana raw ay bumoto ang mga ito for the franchise not merely because of popularity but for what is right. Sabihin mo kaya sa sarili mo iyan, Allan dear. Nag-iisip ka ba? Maingay ka lang talaga ever since – parang drum na walang laman. Try mo kayang mag-isip nang maayos – like the old saying that goes ‘SILENT WATER RUNS DEEP”, kaya mo?