Mag resign kana lang! Rep. Marcoleta sinupalpal si NTC commissioner Cordoba

Kamakailan lang na naging viral sa social media ang tungkol sa ginawang pagsusupalpal ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta sa ABS-CBN.

Binanatan rin ni Deputy Speaker Marcoleta si National Telecommunications Commission (NTC) Commissioner Gamaliel Cordoba dahil sa pagpapabaya umano nito na hayaan mag operate ang ABS-CBN gamit ang kanilang TV Plus at Channel 43.

Sa isinagawang legislative hearing tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN nitong Lunes, sinabi ni Marcoleta at ibang mambabatas na dapat ang cease and desist order umano ng NTC laban sa ABS-CBN ay dapat kasama ang channel 43 at TV plus ng naturang network.

Dahil dito hindi maitago ni Rep. Marcoleta ang kanyang pagkadismaya kay Cordoba kahit na nagpaliwanag na ito kung bakit nila pinayagan makapag operate ang Kapamilya network.

“Ang sabi niya (Cordoba) ay bigyan lamang siya ng ilang araw because he’s discussing it with the Solicitor General, hindi naman po ako naniniwala na aabutin po tayo ng labing siyam na araw bago niya sabihin ngayon na ngayon palang niya ata i-issue ang cease and desist order, bakit po nagkaganon?” saad pa ni Marcoleta.

Nanawagan rin si Marcoleta kay Cordoba na kung maaari ay mag resign nalamang umano ito sa kanyang pwesto bilang commissioner ng NTC.

“Kung ako ang masusunod, dapat mag resign po si Commissioner Cordoba because he’s not doing his job,”

“Kung ako ang masusunod mag resign nalang po kayo, kasi pinagtatakpan po ninyo eh, ano po ang gagawin namin nandito kami eto bang ginagawa namin ngayon ay walang ka kwenta kwentang bagay? Nagpapagod po kami dito,” saad pa ni Marcoleta.

“Pero ngayon nakabuyangyang sa lahat ng telebisyon nakakapag broadcast parin sila eh, eh kung ganoon po ay itigil nalang po natin ang proceedings Mr. commissioner dahil kahit po pala wala silang prangkisa eh kaya nilang mag broadcast,” dagdag pa nito.

PANOORIN! NTC COMMISSIONER CORDOBA, PINAG-RERESIGN! NABUKING NI CONG. MARCOLETA NA PINAGTATAKPAN ANG ABS-CBN

PANOORIN! NTC COMMISSIONER CORDOBA, PINAG-RERESIGN! NABUKING NI CONG. MARCOLETA NA PINAGTATAKPAN ANG ABS-CBNFOR MORE VIDEOS, CLICK HERE: https://www.youtube.com/channel/UCityIqMfuanjFhAnYHKiK7Q?sub_confirmation=1

Posted by Saradu30 Tracker on Monday, June 29, 2020