Magbago kana! Derek Ramsay reacts on Rappler’s article and calls out foreigner in Dasmarinas Village incident: “keep your mouth shut if you have nothing respectful to say”

Naging viral sa social media ang isang video tungkol sa isang dayuhan na nakipagtalo sa mga Pulis kaya agad itong inaresto.

Ang nasabing banyaga ay residente ng ekslusibong Village sa Dasmariñas, marami naman mga lumabas na pahayagan tungkol sa insidenteng ito na tila pinapalabas na umabuso ang mga pulis sa kanilang kapangyarihan.

Kaya naman hindi mapigilan ng aktor na si Derek Ramsay na mag react tungkol sa insidenteng nangyari kahapon April 26 sa may Makati City.

Tinawag ng aktor ang paglalathala ng Online news site na Rappler na “bad journalism” dahil sa kanilang pagrereport sa kumprontasyong nangyari sa pagitan ng pulis at isang foreigner.

Ayon pa sa aktor, dapat umano ay kinuha muna lahat ng mga detalye at facts bago inilabas ang report tungkol sa nangyaring insidente.

Hinikayat rin nito na kung maaari ay itigil na ang pagpapalabas sa mga report na tila masamang mga tao ang mga sundalo at pulis.

“Bad journal,ism!!!!! Stop making it seem that our soldiers and policemen are always the bad guys. Shouldnt you get all the details and facts first before posting an article about the situation?” saad ng aktor sa naging report ng Rappler.

Ayon pa sa report ng PEP.ph, galit na galit at dismayado umano ang aktor dahil sa ginawang pagrereport ng isang news online site.

Nilinaw rin nito na hindi lahat ng mga sundalo at kapulisan ay masasama at mayroon paring matitino na mga natitira.

Nagbigay rin ng mensahe ang aktor tungkol sa dayuhan na sangkot sa insidente. Sinabi nito na porket mayaman at nakatira sa mamahaling residential area ay may karapatan na silang lumabag sa batas at bastusin ang mga frontliners.

“Show respect to our soldiers and policemen! Just because you are rich and live in an expensive residential area does not make you decent or better than everyone.” saad pa ng aktor.

“Kuya magbago ka na! Your arrogance doesnt help. These men and women are fighting hard for all of us so keep your mouth shut if you have nothing respectful to say.” dagdag pa nito.

Source: PEP