Magkaalaman na! Rep. Marcoleta pina-recite kay Gabby Lopez ang ‘Panatang Makabayan’

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang tungkol kay Deputy Speaker Rodante Marcoleta matapos nitong isiwalat ang mga umano’y labag sa batas na ginawa ng ABS-CBN.

Naging instant celebrity si Marcoleta matapos ang naging hearing ng kongreso tungkol sa prangkisa ng isa sa pinaka-malaking tv station sa bansa.

Muling binanatan ni Rep. Marcoleta ang chairman ng ABS-CBN na si Gabby Lopez matapos maungkat ang umano’y citizenship ni Lopez.

Sa ika apat na araw ng pandinig sa prangkisa ng ABS-CBN, muling binalikan ni Marcoleta ang chairman ng ABS-CBN at ipina-r3cite ang ‘Panatang Makabayan’.

“Would you believe sir that after ABS-CBN was granted a franchise of more than 50 years, this Congress has earned its right to know from you personally, are you participating in our p0litical process, how did you pay your tax3s, how do you value your 0ath as a Filipino, eto po ang kailangan Mr. Lopez,” saad pa ni Marcoleta.

“Ganito na lamang po para siguro matapos tayo sa issue ng alleg1ance, mawalang galang na po Mr. Lopez, pwede ba naming hilingin sa inyo na i-r3cite ninyo yung unang linya ng ‘Panatang Makabayan’,” dagdag pa nito.

Mapapansin na hindi agad nakakibo ang chairman ng ABS-CBN na si Gabby Lopez sa gustong ipagawa ni Cong. Marcoleta sa kanya.

Kaya naman habang inaantay ni Marcoleta ang tugon ni Lopez, sinabihan niya si Bayan Muna party-list Rep. Zarate kung gustong niyang tulungan si Lopez na i-r3cite ang Panatang Makabayan.

“Congressman Zarate baka gusto niyo ng tulungan,” banat pa ni Marcoleta.

Hindi naman nagustuhan ni Zarate ang naging banat ni Marcoleta sa kanya at agad na sinuspende ang hearing para pahupain ang tensyon sa pagitan ng dalawang kongresista.

ABS-CBN franchise hearing: Marcoleta asks Gabby Lopez to recite first line of ‘Panatang Makabayan’

Amid questions on ABS-CBN's Gabby Lopez' citizenship, Deputy Speaker Rodante Marcoleta asked ABS-CBN chairman emeritus Eugenio “Gabby” Lopez III to recite the first line of the Panatang Makabayan or the country's patriotic oath.

Posted by INQUIRER.net on Monday, June 8, 2020