Magpaka-lalaki ka! Jay Sonza hinamon si Arnold Clavio matapos ang ibinunyag ni Sarah Balabagan

Magpaka-lalaki ka! Jay Sonza hinamon si Arnold Clavio matapos ang ibinunyag ni Sarah Balabagan

Kamakailan lang ay naging usap-usapan sa social media ang tungkol sa ibinunyag ni Sarah Balabagan na dating Overseas Filipino Worker.

Naging viral sa social media si Arnold Clavio matapos ibunyag ni Sarah Balabagan na si Clavio ang ama ng kanyang panganay na anak.

Ikwenento rin ni Balabagan ang tungkol sa naging relasyon umano nila ng GMA news reporter na si Arnold na kung saan sinabihan umano nito si Sarah na itago ang kanilang relasyon.

Napilitan umano magsalita ni Balabagan dahil narin sa nasasangkot siya sa kumakalat na viral post patungkol na rin sa kanyang anak.

“Kaya ko to ginagawa dahil after 22 years, lumabas na naman. Sabi nga nila, walang bahong hindi lalabas… Hindi naman po ako nalungkot dahil by God’s grace, masaya na ako sa buhay ko… Idinagdag pa niya na siguro ay will ng nasa Itaas ang mga nangyayari para maitama niya ang lahat ng dapat maitama…” saad pa ni Balabagan sa kanyang video.

“Hindi naman po habambuhay, e, buhay ako para sagutin ang mga haka-haka at mga tsismis na ‘yan… Paano ‘pag wala na ako sa mundo? Tapos hindi ko ito kinorek? Baka mamaya maging multo pa ito sa anak ko…” dagdag pa nito.

“Nagkakilala kami ni Arnold nu’ng panahong ako ay nakapiit pa at dinalaw nila ako doon… Naging close kami noon ni ‘Kuya Arnold’…at nu’ng unuwi ako sa Pilipinas noon August 1, 1996, isa po siya sa mga nag-cover ng kaso ko. Naging exclusive la nga niya ang story…” saad pa ni Sara.

“Alam niyo naman kung gaano siya ka-kengkoy. Hindi kang ‘yung mukha niya kundi pari na rin ‘yung sense of humor niya. Kahit umiiyak ako, e, napapatawa niya ako… Galing ako sa kulungan noon and just imagine kung gaano ako ka-vulnerable noon pero hindi ko po idya-justify kung ano ang nagawa ko po…. Si ‘Kuya Arnold’ din ang kauna-unahang tao na nagpasyal sa akin sa Maynila. At siya rin ang kauna-unahang tao na nagyayang manood sa akin ng sine,” dagdag pa nito.

Ayon pa kay Sara, sinabihan umano siya ni Clavio na kung maaari ay wala dapat umanong makaalam sa kanilang relasyon dahil pamilyado na tao si Clavio.

“Ang sabi kasi sa akin noon ni Arnold, e, walang aminan. Kahit ano raw ang mangyari, e, ‘wag akong aamin… I was 17 years old nu’ng mga panahon na ‘yun at talagang napaniwala niya ako,” giit pa ni Balabagan.

Dahil dito, hinamon ng batikang mamamahayag na si Jay Sonza si Arnold Clavio na magpaka-lalaki at harapin ang isyung binabato sa kanya.

“My friend (igan) your silence is not helping you any. MAN UP. SPEAK UP OR SIMPLY VANISH,” saad pa ni Sonza sa kanyang facebook post.

“Hindi kabawasan ng pagkalalaki o pagkatao ang pag-amin ng kasalanan, pagkakamali at pagkukulang.if you can’t do this, spare your colleague at GMA from further humiliation and disrespect. Do the most honorable thing, vanish from public eye.” dagdag pa ni Sonza.