“Magpakatotoo tayo” Ted Failo sinupalpal si QC Mayor Joy Belmonte

Kamakailan lamang ay naging viral ang alkalde ng Quezon City na si Joy Belmonte matapos nito maging ‘missing in action’ umano sa kanyang lungsod.

Binatikos siya ng mga netizen dahil hindi umano nagpaparamdam ang alkalde. Matatandaan rin na naging viral sa social media ang ginawang pamimigay ng mga basic needs ng alkalde na kung saan tila umano ginagawa niya itong pamumulitika dahil sa paglagay ng kanyang Pangalan.

Nitong nagdaang araw ay patuloy siyang binatikos ng mga netizen dahil sa paghihingi nito ng karagdagang budget sa national government.

“Sa ika-apat na linggo, medyo magkukulang na po ang pondo ng lungsod, sapagkat ang quick response fund po natin ay mauubos na, at ang halaga nito ay P400-M lang ata, and we have other things to take care of katulad hospital equipment,” pahayag ng alkalde.

“We are now appealing to the DSWD, national government na sana tulungan naman nila kami sa lungsod ng Quezon,” dagdag pa nito.

Dahil dito, binatikos siya ng kilalang radio host na si Ted Failon at pinayuhan na pwede umanong i realign ang kanilang budget para tulungan ang mga nasasakupan sa kasagsagan ng enchanced community quarantine.

“Magpakatotoo tayo. ‘Yung mga nagyayabang na sila ang pinakamayan na city ‘pag walang kalamida.’Pag may kalamidad, kailangan namin ang tulong, nasaan na ang gobyerno. ‘Pag may kalamidad, iba na ang usapan,” saad pa ni Ted Failon.

Sinabi rin ni Failon na nagawa na umano ni Belmonte na i realign ang kanilang budget noong siya ang Vice Mayor pa ng Quezon City.

“Gaano mo kabilis itong naipasa? Alam niyo ba kung saan inilaan yung pera? Office of the Mayor 504 million pesos, Engineering Department 571 million pesos, ano itong mga engineering department na mga project ito?” saad pa ng radio host.

“Buildings, 264 million infrastructure program, fixtures?! Lamesa, upuan, 331 million furniture, ano po ito? Ito ang bilis n’yo magpasa ng suppemental budget tapos ito pangangailangan ng inyong constituents, kesyo ganito, kesyo ganyan,” dagdag pa nito.

Nanawagan naman si Failon kay Belmonte na ihinto muna ang kanilang ‘beautification’ project sa kanilang lungsod at gastuhin nalang ang budget sa pagtulong ng kaniyang nasasakupan.

“Irealign n’yo kesa magpatayo pa kayo ng paso!” saad pa ni Failon.