Magreklamo kayo! Pres. Duterte: “Mga hindi pa nabigyan ng ayuda, ipaalam niyo sa amin”

Kamakailan lang ay inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng ayuda sa mga Pilipino na apektado ng Enhanced Community Quarantine.

Maliban sa relief goods na matatanggap ng bawat pamilya, ay may ibibigay rin ang pamahalaan na tulong financial para sa mga mahihirap.

Kaya naman hinimok ni Pangulong Duterte sa kanyang naging public address nitong gabi ng Lunes ang mga Pilipino na hindi pa nakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno.

Sinabi nito na ipaabot ang kanilang reklamo sa kanilang mga gobernador at mga mayor ang kanilang mga hinaing. Upang mas mapabilis silang mabigyan ng tulong financial.

Kasunod ito ng maraming reklamo na pinipili lamang umano ang binibigyan at hindi talaga naibibigay ng tama ang mga ayuda mula sa gobyerno sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development.

“So iyon ang gusto kong masabi sa inyo. And iyong hindi pa nakatanggap, let us know by a radio or what. Magreklamo kayo ng mga radio stations ninyo diyan or doon sa mayors ninyo, barangay captain then the mayors. Iyan ang ating — configuration ng gobyerno natin. Governors, mayors, municipal mayors, city mayors, barangay captains.” pahayag ni Pangulong Duterte.

“yan mag-report kayo diyan and it’s a matter of just using a cellphone — lahat naman ng cellphone you can report to the governor or the governor will just ask Malacañan kung sino pa ba ang — those who were left behind, sino pang hindi nabigyan, kasi pagbigyan namin lahat.” dagdag pa nito.

Inatasan na rin ni Pangulong Duterte ang mga sundalo at kapulisan na tulungan ang mga bata, babae at matatanda lalo na sa pagdating sa transportasyon.

“Now to the PNP, marami ‘yang makita mo ngayon kasi kukulang nga ang sasakyan eh. But there are people who are f0rced to travel for a host of reason. One is nagkasakit, gustong pumunta ng ospital. One is wala talagang masakyan, tapos may babae, matanda, bata, o kaya babaeng naglalakad, for all you know she might really be a worker, a frontliner, or whatever, lalo na walang masakyan, the police must stop at pasakyan — pasakayin ninyo itong mga babae na ito — ah mga tao na ito at ihatid ninyo sa lugar nila…” saad pa ng Pangulo.

“Tutal kung hindi, kung malayo pa, ikarga ninyo — bring her to the boundary of the next barangay where she lives at tumawag kayo ng pulis doon ipasalubong na lang and for that police there to complete the journey of the whatever. Lahat ‘yan mga matanda, lalo ng may mga sanggol dala, mga babae sa gabi naglalakad tapos madilim ganun, they must be provided with transportation and that is the transportation of government. Maski — karamihan diyan pulis. Huwag kayong mag-atubili kasi ang gasolina mura” dagdag pa ng Pangulo.