“Makipag cooperate” Dating Daan leader Ely Soriano kay Leni Robredo: “Mag isip ka kung paano ka makakatulong”

Members of the Chrch of God International and television show ‘Ang Dating Daan’ leader Ely Soriano kwinestiyun ang ginagawang pambabatikos ng mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa live video ni Soriano, nagtataka ito kung bakit patuloy na binabatikos si Pangulong Duterte ng kanyang mga kaaway sa politika kahit na nahaharap ang bansang Pilipinas sa malaking problema laban sa COVID-19 outbreak.

Hinikayat rin nito ang mga kritiko ng Pangulo na imbis na batikusin ang Presidente, ay dapat tumulong na lamang umano sila sa gobyerno kung papano malabanan ang paglaganap ng naturang virus sa bansa.

Dinepensahan rin ni Soriano si Pangulong Duterte sa naging desisyon nito na maglagay ng mga sundalo sa lungsod ng maynila.

“Ang masasabi ko lang sa mga kontra-partido ni Presidente Duterte, sana kalimutan niyo na muna yung politika, eh bakit kailangan ng sundalo? E mayroong matigas ng ulo kaya kailangan nga ng sundalo, hindi naman para pagmalupitan ang tao, para lang hindi mapigil ang pagkalat ng virus,” pahayag ni Soriano sa live video.

Ikinumpara rin ni Soriano ang health care system ng bansang Italy sa Pilipinas, na kung saan sinabi nito na hindi kakayanin ng bansang Pilipinas ang problema na kinakaharap ng Italy ngayon.

“Hindi ka sakit mmatay, kundi mmmatay ka sa pagbabayad,” ayon pa sa kanya.

Nanawagan rin siya sa mga politiko at sa mga kritiko ng gobyerno na makipag cooperate na lamang sa gobyerno at huwag na dumagdag sa problema ng Pangulo.

Sinabi rin nito na gusto niyang makiusap kay Leni Robredo ng personal na makipag cooperate na lamang kay Pangulong Duterte at huwag ng komontra.

“Yung mga politiko sana wag na po kayong tutol ng tutol, makipag cooperate na kayo, gusto ko sanang humingi ng personal na pakiusap sa Bise Presidente, kasi tuwing magpapahayag ang Bise Presidente eh it seems na para sa akin ay palagi siyang kontra kay Presidente Duterte,” ani ni Soriano.

“Kaya nga nalagay siyang Presidente ay niloob ng Diyos, imbis na kontrahin natin ng kontrahin ay ating tulungan, mag isip ka kung paano ka makakatulong Bise Presidente, na hindi lagi ang deklarasyon mo kontra sa Duterte administration, kalimutan na muna natin ang politika, Bise Presidente Robredo, sumama ka sa panælangin,” dagdag pa nito.

Nanawagan rin siya sa taong bayan at nakiusap na kalimutan muna ang politika sa panahong ito dahil mas malaking ang kinakaharap ng bansang pilipinas.

“Hindi po ito panahon ng politika, panahon po ito ng compassion, understanding, consideration, wag niyo pong awayin ang mga pulis kababayan,” dagdag pa nito.