Makisawsaw kayo! Angel Locsin bumwelta sa kapwa artista na tahimik sa isyu ng prangkisa: “Damayan nyo mga katrabaho nyo na dahilan kung bakit kayo sumikat!

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang usapin tungkol sa prangkisa ng isa sa pinakamalaking tv network sa bansa.

Matatandaan na naghain ng cease-and-desist order ang National Telecommunications Communication o NTC laban sa ABS-CBN dahil sa paso na kanilang prangkisa.

Nitong nagdaang araw lamang, tuluyan ng naipasara ang ABS-CBN o Kapamilya network dahil sa pagkabigo nila makakuha ng panibagong prangkisa.

Kaya naman hindi nagpaawat ang mga kilalang personalidad at mga artista na maglabas ng kanilang pagkadismaya sa mga kongresista na bumuto laban sa ABS-CBN.

Sa isinagawang noise barrage ng mga empleyado ng ABS-CBN, naglabas ng pahayag si Angel Locsin laban sa kanyang mga kapwa artista na tila tahimik umano sa isyu na kinakaharap ng kanilang home network.

Hinikayat ni Angel ang mga kapwa nyang artista na huwag manahimik sa isyu na kinakaharap ng kanilang network, dahil isa umano ito sa dahilan kung bakit sila sumikat.

“Sa mga kasamahan kong artistang ‘di nagsasalita: Ano? May career pa ba kayo? Wala na, wala na kayong network. Kahit magpa-cute kayo d’yan sa Instagram, mag-send kayo ng mga sad face, ‘di n’yo nadadamayan ang mga katrabaho n’yo na dahilan kung bakit kayo sumikat!” saad pa ni Angel Locsin.

Imbis na makakuha ng simpatya, mas lalong binatikos ng mga netizen ang ginawang noise barrage ng mga empleyado ng ABS-CBN.

Ayon pa sa mga netizen, isa umano itong paglabag sa Social Distancing na ipinapatupad ng gobyerno dahil makikita sa video na halos magkadikit-dikit na ang mga tao sa isinagawang noise barrage.

Sabi pa ng ilang netizen na nakapanuod sa noise barrage na isinagawa ng mga empleyado ng ABS-CBN, isa lamang umano itong patunay na hindi sila sumusunod sa batas na ipinapatupad ng gobyerno.

WATCH: ABS-CBN personality Angel Locsin riles up the crowd during the noise barrage held in front of the broadcast network’s compound on Saturday. The noise barrage aims to call attention to both the recent franchise denial of ABS-CBN by Congress and the signing into law of the anti-terrorism act by President Rodrigo Duterte despite widespread local opposition. | via Yummie Dingding

Posted by Daily Tribune on Saturday, July 18, 2020

"Sa mga kasamahan kong artistang 'di nagsasalita: Ano? May career pa ba kayo? Wala na, wala na kayong network. Kahit magpa-cute kayo d'yan sa Instagram, mag-send kayo ng mga sad face, 'di n'yo nadadamayan ang mga katrabaho n'yo na dahilan kung bakit kayo sumikat!" ‘Yan ang mensahe ni Angel Locsin sa mga kapwa artista na tila binabalewala pa rin ang isyu ng pinatay na #ABSCBNfranchise. | via Erik Tenedero at Davinci Maru, ABS-CBN NewsBASAHIN: https://bit.ly/32Jquht

Posted by ABS-CBN News on Saturday, July 18, 2020