“Mali ang natarget nyo” Vice Ganda may mensahe sa 70 na kongresista

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang tungkol sa nangyaring butohan ng mga kongresista laban sa hindi pagbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN.

Maraming mga kilalang personalidad ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa nangyari butohan, ayon pa sa mga taga suporta ng Kapamilya network, isa umano itong paglabag sa malayang pamamahayag.

Naging viral muli ang naging pahayag ni Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kanyang social media na kung saan pinatamaan nito ang mga kongresista dahil sa hindi pagbigay ng prangkisa sa kanilang home network.

Nag ugat ang pahayag na ito ni Vice Ganda, dahil mayroon ilang kongresista na hinihimok ang mga Lopez na ibenta na lamang ang ABS-CBN para maisalba ang network.

“Sa pagpapasara ng ABS CBN mawawalan ng malaking pagkakakitaan ang mga Lopez. Pero sigurado akong di sila maghihirap. Napakayaman na nila para maghirap.” saad pa ni Vice Ganda.

Ayon pa sa kanya, hindi ang Lopez ang maghihirap sa nangyari ito, kundi ang mga ordinaryong empleyado ng tv network na nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng kanilang network.

“Ang totoong magdudusa dito ay ang mga pangkarinawang manggagawa na nawalan ng trabaho. Sila ang maghihirap,” saad pa ng komedyante na si Vice Ganda.

Nagbanta rin ang komedyante na si Vice Ganda sa 70 na kongresista na ‘mumultuhin’ umano sila sa kanilang naging desisyon na ipasara ang ABS-CBN.

“Mali ang natarget nyo. Mali ang pinatay ninyo. At lahat yan ay mumultuhin at gagambalain kayo. Alam nyo kung sino kayo!” saad pa nito.