Mananagot ang dapat managot! Pres. Duterte reacts about the couple selling ‘overpriced’ COVID19 equipment

Mananagot ang dapat managot! Pres. Duterte reacts about the couple selling ‘overpriced’ COVID19 equipment

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang tungkol sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang magkasintahan na nagbibinta ng overpriced equipment para sa COVID19.

Sa isinagawang meeting ng IATF-EID nitong lunes, tinanong ni Pangulong Duterte ang Health Secretary na si Francisco Duque III kung totoong nagbebenta ng overpriced equipment ang magkasintahan na nagmamay-ari ng isang kompanya.

Ibinulgar ni dating health secretary at ngayon Iloilo Rep. Janette Garin at pinapaimbestigahan niya kay Pangulong Duterte ang magkasintahang ito dahil umano sa overpriced na mga equipment.

Sinabi rin ni Budget Undersecretary Lloyd Lao kay Pangulong Duterte na ang Co couple na ito ay nagmamay-ari ng Omnibus Bio-Medical Systems Incorporated.

Ayon pa sa kanya lumapit umano ang Omnibus Corporation at nag offer ng equipment na ginawa ng Sansure Biotech na nagkakahalaga ng 4M Pesos.

Sabi pa ni Senator Panfilo Lacson na kung bibili ka ng parehong equipment sa manufacturer ay nagkakahalaga lamang ito ng 1,7m pesos.

“They’re willing to forego of Omnibus, they’re actually negotiating that because they have a relationship with Omnibus, can they use it as distributor, and they’re willing to reduce the price,” sabi pa ni Lao.

“But I made a statement, that we are no longer willing to discuss with Sansure if they go through Omnibus because they were given a chance before when the government really needed it and they gave us a very high price,” dagdag pa nito.

“They should have paid for what they have done before, kasi gipit na gipit tayo, hindi tayo makalipad kasi mayroon tayong mga restrictions and all, they’re the only ones who are connected with Sansure and they’re selling at least not less than double the price, and you cannot get it unless you pass throught them,” saad pa nito.

Ayon pa kay Presidential Spokesperson Harry Roque mayroong batas na magpaparusa sa mga taong nananampatala lalo na nasa gitna ng krisis ang bansa.

“Baka po talagang may basis para imbestigahan itong Co couple ng NBI for profiteering and hoarding under the special law on anti-profiteering and under Bayanihan act,” ayon pa kay Roque.

Pinayuhan rin ni Pangulong Duterte ang NBI na imbestigahan ang magkasintahang ito.

“Alam mo itong mga p *nang negosyante na ito, whether it is really an issue of humanity and the greed, ‘yung hoarding na ‘yan you cannot… it’s part of the business practices which you may call not even obnoxious it’s repulsive to the human mind, when you start to think about it,” sabi pa ng Pangulo.

“But let’s look at it what it is legally sans the maybe ‘yung mga suspicion after all, its not easy to charge a person… if NBI finds a probably cause then go ahead,” dagdag pa nito.