Marami pa po akong pangarap! Lalaking nag-alok ng P50Million laban kay Pangulong Duterte ARESTADO!

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang tungkol sa naging pahayag ng isang netizen laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nag viral sa social media ang isang screenshot mula sa isang netizen na kung saan nag-aalok ito ng P50 million pesos kung sino umano makakap*tay kay Pangulong Duterte.

“I will give 50-M reward kung sino ang makakap*tay kay Duterte #NoToABSCBNShutDown,” saad pa ng isang netizen.

Agad na binatikos ng mga netizen at lalo na ng mga taga suporta ng Pangulo dahil hindi umano tama ang kanyang naging pahayag.

Agad na nanawagan ang mga supporters ng Pangulo sa Philippine National Police (PNP) na kung maaari ay parusahan ang lalaking ito dahil sa kanyang naging pahayag laban sa Pangulo ng bansa.

Nakilala ang lalaki bilang Ronnel Mas isang guro mula sa Taltal Masinloc, Zambales na kung saan hinuli ito ng National Bureau of Investigation ng Pangasinan.

Ayon pa sa facebook post ng isang netizen na si Ronald Allan Sison, inamin umano ni Ronnel Mas ang ginawa nito laban sa Pangulo at walang tigil na umiyak nung dinakip na siya ng mga NBI.

“With NBI PANGASINAN Chief Rizaldy Jaymalin, Spl Investigator Paulo Calip, Spl Investigator Mark Caseres, Atty. Fabienne Matib and troop tracked him down at Brgy. Poblacion North, Sta. Cruz, Zambales! He is a teacher, of course denying the cr1me. While on board to our vehicle with the subject and his parents traversing our way back to Dagupan City we applied reverse psychology to the susp3ct. After few minutes he cried and admitted the cr1me.” saad pa ni Sison.

Saad pa ni Ronnel hindi niya umano sinasadya na sabihin yun at humingi na umano siya ng patawad kay Pangulong Duterte dahil sa kanyang ginawa.

“Opo nagso-sorry po ako kay President Rodrigo Duterte dahil nagawa ko ang tweet na ‘yon… hindi ko po intensyon ‘yon,” saad pa nito.

Posted by Ronald Allan Sison on Monday, May 11, 2020