Mayor Inday Sara may ibinulgar tungkol sa apat na kritiko ni Pangulong Duterte

Mayor Inday Sara may ibinulgar tungkol sa apat na kritiko ni Pangulong Duterte

Naging viral muli ang naging facebook post ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte laban sa apat na kilalang oposisyon at kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaan na isinulat ni Mayor Inday Sara ang naturang post noong 2017 na kung saan inisa-isa niyang batikusin ang apat na oposisyon.

Muling ibinahagi ni Rafael R. Gomez ang naturang pahayag ni Inday Sara at umani parin ito ng libo-libong atensyon mula sa mga netizen.

Ang naturang facebook post ay reaksyon ni Inday Sara laban sa grupong itinayo ng mga oposisyon na may Pangalanang ‘Tindig Pilipinas’.

BASAHIN at balikan ang facebook post ni Mayor Inday Sara sa ibaba:

Tindig Pilipinas aka Hunger Games Pilipinas.

Kiko Pangilinan- Several years ago nagkita tayo dito sa Davao, sa isang golf club, pinuntuhan mo si PRD. Gusto mo tumakbo Presidente, ansabe mo? “With Sharon’s indorsement and your (PRD) indorsement I’m sure I can make it.” Dati pa-indorse ka sa kanya ngayon may pa hunger games salute effect ka.

Risa Hontiveros – Sa picture ikaw ang pinaka makapal ang foundation acheng. Habang tinutulungan ko si PRD at ang nanay ko mangampanya, nasa byaheng du30 ako, ilang beses mo ako inabala, kinulit at tinawagan para humingi ka ng tulong sa boto mo sa Davao City? I can remember your bored face listening to me in our law office just so you can get support for Davao.

Trillanes – Years ago, nagrequest ka makipag kita sa akin dito sa Davao,nasa Damosa ka, ano sabi ko sa emissary mo? No. You know why? I never liked your circus sa Manila Peninsula. Pero meron ako apicture na nakipagkita ka kay PRD kasi humingi ka ng tulong niya sa VP campaign mo.

VP Robredo – I’ll reserve my remarks kasi sabi mo naman hindi ka member ng Hunger Games Pilipinas.

Lahat ito hindi chismis kasi personal knowledge ko at may corroborative witnesses ako. Matanong ko lang, nung mga panahon na humingi kayo ng tulong, may isyu ba kayo sa governance ni PRD? Wala. Ngayon na nanalo na siya? Meron. Hunger Games, Pilipinas: Plastic na, oportunista pa. Kayo 3 may ambisyon mag Presidente, I grew up in politics, mas matagal pako sa pulitika kesa sa inyo 3 combined. I smell ambition a million miles away. Akala ninyo yung circus ninyo ngayon magpapanalo sa inyo sa 2022? Hindi.

Ano ititindig niyo? Paninindigang Trapo.

Mamuyboy ko? Yes. You don’t use PRD whenever convenient para sa pulitika ninyo. Kung wala ang boto ng Mindanao, mananalo kaya kayo?
(C)